Sambayanang Filipino, hinimok na huwag maging kampante sa COVID-19

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 664 total reads

May 21, 2020, 12:30PM

Hinimok ng opisyal ng Catholic Bishop Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Health Care (CBCP-ECHC) ang mamamayan na huwag maging kampante sa paligid dahil laganap pa rin ang corona virus.

Ayon kay Camillan Priest Reverend Father Dan Cancino, MI, Executive Secretary ng komisyon, kahit magkaiba ang lebel ng quarantine na ipinatutupad ng pamahalaan ay dapat panatilihin ng tao ang labis na pag-iingat sa kalusugan upang maiwasan ang pagkahawa sa COVID 19.

“Huwag tayong maging kampante, kahit nasa iba’t- ibang level tayo ng quarantine dapat panatilihin natin ang tamang kamalayan at kaalaman tungkol sa minimum public health standards,” pahayag ni Fr. Cancino sa Radio Veritas.

Muling pinaalalahanan ng Camillan doctor-priest ang mamamayan na ugaliin ang pagsusuot ng face masks, paggamit ng 70% solution hand sanitizers, paghuhugas ng kamay, regular na pag-check sa kalagayan at temperatura ng katawan bilang mga pangunahing hakbang upang mapigilan ang paglaganap ng virus.

Ito rin ang tugon ni Fr. Cancino sa magkaibang pahayag nina Department of Health Secretary Francisco Duque at Executive Secretary Salvador Medialdea kung saan naunang sinabi ni Duque na nasa second wave na ang transmission ng virus sa bansa mula noong Marso na agad namang itinanggi ni Medialdea.

Ipinaliwanag ni Father Cancico na magkakaiba ang pagkaunawa ng tao sa salitang ‘wave’ ngunit paalala nito mas mahalaga ang pag-iingat para sa kalusugan.

“Anumang wave mayroon tayo, mas maganda at mahalaga na vigilant tayo sa nangyayari dahil may virus o yung COVID na ating nilalabanan; ang sapat na kaalaman sa minimum phealth standards ay magbibigay sa atin ng tamang proteksyon,” dagdag ni Fr. Cancino.

Sa pinakahuling tala ng DOH mahigit na sa 13-libong Filipino ang nahawaan sa bansa kung saan 22 porsyento dito ang gumaling na sa karamdaman habang anim na porsyento naman ang nasawi.

Binigyang diin ni Fr. Cancino na kahit alisin na ng pamahalaan ang quarantine sa buong bansa ay mananatili ang virus sa paligid kaya’t mahalaga ang patuloy na preventive measures dahil lubhang mapanganib sa kalusugan ang pagiging pabaya.

Sinabi ng Pari na dapat ding ituring ang sarili na potential asymptomatic carrier ng virus na maaring makahawa sa kapwa kaya mahalagang pairalin ang pagiging maingat para sa kapakanan ng bawat isa.

Hinikayat din ni Fr. Cancino ang simbahan at iba pang sektor ng lipunan na tumulong ipaunawa at ituro sa mga nasasakupan ang mga wastong pag-iingat na gagawin upang mapigilan ang pagdami ng transmission.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 4,188 total reads

 4,188 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 91,282 total reads

 91,282 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 128,655 total reads

 128,655 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 159,916 total reads

 159,916 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 232,519 total reads

 232,519 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top