PNP Chaplain Service, nagpapasalamat sa pamilya ng frontliners

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 789 total views

May 21, 2020, 1:35PM

Nagpaabot ng pasasalamat ang Philippine National Police – Chaplain Service sa pamilya ng mga pulis na nagsisilbi ring frontliners sa krisis na dulot ng pandemic na Coronavirus Disease 2019.

Ayon kay PNP – Chaplain Service Director Rev. Fr. (PCOL) Jason D. Ortizo, malaki ang tulong ng suporta at panalangin ng pamilya ng mga frontliners tulad ng mga pulis upang lalong lumakas ang loob ng mga ito sa pagharap sa kanilang tungkulin sa kabila ng banta ng nakahahawa at nakamamatay na COVID-19.

Iginiit ng Pari na mahalaga ang pagkakaroon ng suportang pang-espiritwal at moral lalo na sa gitna ng pandemya kung saan puno ng takot, pangamba at pag-aalinlangan ang lahat mula sa COVID-19.

Ibinahagi ni Fr. Ortizo na ang pagkakalantad sa kapahamakan ang isa sa hamon ng pagkakaroon ng mahal sa buhay na frontliners tulad ng mga doctor, nurse at maging ng mga pulis.

“Ang mga pamilya naman ng mga kapulisan ay laging sumusuporta sa mga trabaho nila talagang iniintindi nila at nilalakasan na rin nila yung kanilang mga loob sa ganitong panahon. Sa mga naging frontliners, kasama na yun sa isa sa mga challenges sa miyembro ng pamilya kaya pasalamatan din natin ang mga pamilya ng ating mga kapulisan.” pahayag ni Fr. Ortizo sa panayam sa Radyo Veritas.

Naunang hinimok ni Fr. Ortizo ang mga pulis na nagsisilbing frontliners na manalangin kasabay ng pagtugon sa kanilang tungkulin na tiyakin ang kaligtasan ng bawat isa mula sa banta ng COVID-19.

Ayon sa Pari, bukod sa pagsunod sa mga medical procedures ay mahalaga rin ang tulong at paggabay ng Panginoon upang ipag-adya ang bawat isa mula sa kumakalat na sakit.

Batay sa pinakahuling tala ng PNP Health Service noong ika-18 ng Mayo, umaabot na sa 250 ang bilang ng PNP personnels na nagpositibo sa COVID-19 kung saan may 538 ang suspected Persons Under Investigation at 754 naman ang patuloy na binabantayan bilang probable persons under investigation.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 161,484 total views

 161,484 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 191,707 total views

 191,707 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 218,353 total views

 218,353 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 313,326 total views

 313,326 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 323,876 total views

 323,876 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top