Sexual predators, pinakamalalang virus sa COVID-19 pandemic

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 757 total reads

May 27, 2020, 4:31PM

Itinuring ng opisyal ng International Catholic Migration Commission na pinakamalalang uri ng virus ang mga mapang-abusong indibidwal na sinasamantala ang kahinaan ng kapwa.

Ayon kay Balanga Bataan Bishop Ruperto Santos, Chairman ng ICMC – Asia-Oceania Working Group mas lubhang mapanganib at nakamamatay na virus ang nambibiktima ng mga kabataan lalo na ang mga nasa tahanan dahil sa mas pinaigting na panuntunan ng communicty quarantine.

“There is a more dangerous and extremely deadly virus lurking around us aside from Covid19. These are the human traffickers and sexual offenders, the worst and venomous virus on earth, taking every opportunity to raven our youth and even young children who are bored at home and have nothing to do but navigate the internet,” bahagi ng pahayag ni Bishop Santos.

Kadalasang nabibiktima ng mga pananamantala ang mga kabataang nasa tahanan at aktibo sa internet.

Sinabi ni Bishop Santos na mas nangingibabaw ang kasakiman at pagkahilig sa aliw ng laman ang mga nanamantala sa kabataan at kababaihan sa kabila ng krisis na nararanasan ng mamamayan dulot ng pandemic corona virus disease.

Labis na nakababahala ang ulat ng UNICEF na inaasahang tataas sa halos 1.5 milyong kabataan ang magiging lantad sa banta ng pagiging biktima ng mga sexual predators lalo sa online.

Matatandaang sa ulat ng UNICEF noong 2017 nasa 80 porsyento ng mga kabataang Filipino ang lantad sa online sexual abuse at bullying kung saan isa ang Pilipinas sa top global source ng child pornography.

Binigyang diin ni Bishop Santos na ang mga sexual predators ang tunay na virus sa lipunan na nanamantala sa mga mahihinang sektor gaya ng kababaihan at kabataan.

“They are the viruses of our society who use the physical vulnerability and poverty to lure and victimize our people,” dagdag ni Bishop Santos. Sa isang panayam ni psychologist Dr. Camille Garcia sa Radio Veritas

Sinabi nitong mahalagang bantayan ng mga magulang ang mga kinikilos ng bata sa loob ng tahanan at huwag pabayaan lalo na sa paggamit ng internet.

Dahil dito hinimok ni Bishop Santos ang mamamayan na maging mapagbantay lalo sa kabataan na lantad sa gadgets na batay sa Global Digital Report 2019 ng We Are Socials lumabas na 71 porsyento sa mga Filipino ang naglalaan ng apat na oras sa paggamit ng social media sa buong maghapon.

“We should do everything to protect our children, our youth from these evil doers. Everyone should be vigilant to prevent our children from being unwilling victims. At home, always be observant of your children, especially with the use of the Internet. Be aware of what they are doing. Have time limits with the use of their gadgets. Also, with this stay at home order, stay physically present with the members of the family. Talk to them consistently, have conversations about their friends or what they are undergoing. At home, do something together to develop or discover each other’s talents such as baking, painting or making designs. Introduce to your children your childhood games such as dama, chess or sungka.”panawagan ni Bishop Santos

Iginiit ni Bishop Santos na dapat maging matatag ang pamilya upang protektahan ang kabataan mula sa mapanamantalang indibidwal na sumisira sa kinabukasan ng kabataan.

Tiniyak ni Bishop Santos na kaisa ang simbahang katolika sa pagtatanggol sa kabataan at itaguyod ang karapatan ng mga mahihinang sektor tulad ng kababaihan habang paiigtingin ang pagtugis sa mga mapanamtala at pananagutin sa batas.

“We should condemn the viruses of human trafficking and online sexual exploitation, do what is necessary to eradicate this worst endemic traffickers and sexual offenders. Be brave enough to report, and to bear witness to these evil deeds. It is only then we can make sure that our youth, our children, are not only socially distant from those human viruses of trafficking and exploitation but we must contain these perpetrators. We must exhaust all legal means to investigate, prosecute and punish them.”

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 12,119 total reads

 12,119 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 68,666 total reads

 68,666 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 154,032 total reads

 154,032 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 200,768 total reads

 200,768 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 248,640 total reads

 248,640 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 349,209 total reads

 349,209 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top