Checkpoint modification, iiral sa GCQ areas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 740 total reads

May 28, 2020-2:23pm

Asahan na ang mas maraming sasakyan at mga mangggagawa sa mga police checkpoints sa oras na ipatupad ang General Community Quarantine sa unang araw ng hunyo base sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Ito ang inihayag ni Police Liutenant General Guillermo Eleazar- deputy chief for operations ng Philippine National Police at head ng Special Joint Task Force Covid-19 Shield sa panayam ng Radyo Veritas.

“So ang kaibahan lang nito kagaya ng ginagawa natin ngayon hindi na po tayo ngayong pedeng strict implementation of the checkpoint. Magkakaroon na tayo ng modification in such away na random na ang pagtse-check natin,” ayon kay Eleazar.

Sinabi naman ni Eleazar na isasagawa ang random checkpoints nang sa gayun ay hindi maipon o makalikha ng matinding pagsisikip sa mga lansangan.

“Sinasabayan din po yan ng mga spot or mobile checkpoint natin na pinangungunahan naman ng Highway Patrol Group para ma-check natin itong mga sasakyan kung sila ay may mga sakay unauthorized,” ayon pa kay Eleazar.

Nilinaw din ng opisyal na ang panuntunang inilabas ng IATF ang patuloy na susundin ng pulisya at hindi pa dito kabilang ang pagpapahintulot sa pagkakaroon ng angkas sa mga motosiklo at ang usapin ng spiritual gatherings.

Ayon pa kay Eleazar ang mga panukalang ito ay nakatakda pang pag-usapan ng IATF kaugnay sa mga posibleng pagbabago lalu’t malaking bahagi na ng bansa ang nasa mas mababa ng antas ng community quarantine.

“Sila po ang nag-aaral nyan base na rin sa mga advice or recommendation ng mga eksperto. Pinag-uusapan naman po nila ‘yan meron pong pro’s and cons pero at the end of the day kung ano pong kanilang rekomendasyon na aaprubahan ng ating Pangulo yan ang ipatutupad ng Joint Task Force Covid,” dagdag pa ng opisyal.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 14,601 total reads

 14,601 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 72,920 total reads

 72,920 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 158,287 total reads

 158,287 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 205,023 total reads

 205,023 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 252,894 total reads

 252,894 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 353,305 total reads

 353,305 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top