Gift of Episcopacy kay bishop-elect Cuevas, biyayang kaloob ng Panginoon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 550 total views

May 29, 2020, 12:25AM

Binigyang diin ng bagong talagang katuwang na Obispo ng Arkidiyosesis ng Zamboanga na ang kanyang pagkahirang ay biyayang kaloob ng Panginoon.

Ayon kay Bishop – elect Fr. Moises Cuevas, buong puso nitong tinatanggap ang panibagong misyon sa simbahang katolika na mangangalaga sa kawan ng Diyos.

“My heart is filled with deep gratitude for this gift of episcopacy. Certainly it’s not about me, it’s about God. This gift is a celebration of God’s greatness and goodness and using the words of the Blessed Mother in the Magnificat: “My soul proclaims the greatness of the Lord. My spirit rejoices in God my savior,” pahayag ni Bishop-elect Cuevas sa Radio Veritas.

Aniya, bagamat hindi ito karapat-dapat sa biyayang handog, labis ang pasasalamat ni Bishop-elect Cuevas sa Panginoon sapagkat siya ay pinili na maging kabilang sa mga pastol ng Kanyang kawan.

Dahil dito buong kababaang loob itong tatanggapin nang may pagtitiwala sa Diyos na gagabay sa paninilbihan sa arkidiyosesis.

“I can only respond to receive it with humble trust in Jesus knowing that everything in life is a gift from God,” dagdag pa ni Bishop-elect Cuevas.

Nakatakda ang episcopal ordination ni Bishop – elect Cuevas sa ika – 24 ng Agosto ganap na alas 9 ng umaga sa Metropolitan Cathedral of the Immaculate Conception sa Zamboanga City.

Magiging Principal consecrator si Zamboanga Archbishop Romulo dela Cruz habang co-consecrator naman sina Ozamis Archbishop Martin Jumoad at Ipil Bishop Julius Tonel.

Dalangin ng obispo na nawa’y manumbalik na sa normal ang sitwasyon ng bansa at mapahintulutan na ang pagdiriwang ng Banal na Misa upang makadalo ang mananampalataya ng Zamboanga sa kanyang ordinasyon.

Tiniyak din nito sa publiko na gagampanan ang kanyang tungkulin bilang pasasalamat sa Diyos sa kaloob na bokasyon at pagmimisyon.

“So I will exercise this episcopal ministry to praise and thank God all my life,” dagdag ng obispo.

Matatandaang ika – 19 ng Marso nang hirangin ng Kanyang Kabanalan Francisco si Bishop-elect Cuevas bilang katuwang na obispo ng arkidiyosesis na may higit sa kalahating milyong Katoliko.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 18,074 total views

 18,074 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 46,079 total views

 46,079 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 63,879 total views

 63,879 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 63,139 total views

 63,139 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 174,279 total views

 174,279 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Santo Papa, nanawagan ng pagbangon

 8,366 total views

 8,366 total views Mariing nanawagan ng pagbangon at pag-asa ang Kanyang Kabanalan Leon XIV sa mamamayan ng Angola sa kanyang isinagawang misa sa kanyang pagdalaw sa

Read More »
Scroll to Top