CSMP, mahalagang maunawaan ng mga nagsusulong ng Year of Ecumenism and Dialogue

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 784 total reads

May 29, 2020, 12:30PM

Mahalagang magkaroon ng malalim na pag-unawa sa mga pangunahing pundasyon ng pananampalatayang Katoliko bago makipagdayalogo at isulong ang ekumenismo.

Ito ang bahagi ng pagninilay ni Diocese of Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo kaugnay sa patuloy na paggunita sa tema ng paghahanda para sa ika-500 taon ng Kristyanismo sa Pilipinas na Year of Ecumenism, Inter-religious Dialogue and Indigenous People.

Ipinaliwanag ng Obispo na mahalaga sa pagsusulong ng ekumenismo at dayalogo sa pagitan ng mga relihiyon ay mayroong malinaw na pag-unawa ang mga nagsusulong nito sa pananampalatayang Katoliko sapagkat maaring magdulot ito ng hindi pagkakaunawaan at higit pang pagkakabuklod-buklod.

“It is very important that when we enter in to dialogue or strive for Ecumenism or Christian unity we should know our basic belief in the Catholic Church kasi kapag hindi natin alam baka magiging source pa yun ng division among us…” pagninilay ni Bishop Bagaforo sa kanyang misa sa Poor Clare Monastery.

Pagbabahagi ni Bishop Bagaforo na siya ring chairman ng CBCP NASSA / CARITAS Philippines na may apat na haligi ang pananampalatayang Katoliko na dapat na lubos na maunawaan ng bawat isa ang C, S, M, P na nangangahulugan ng Creed, Sacraments, Morality at Prayer.

Inihayag ng Obispo na nasasaad sa Creed o Kredo na buod ng saligang katotohanan ng pananampalatayang Katoliko na nahahati sa 12-artikulo na naaayon sa bilang ng 12 mga apostol na nagpapahayag na ang Panginoon ang siyang may tagapaglikha ng langit at lupa at tagapagligtas ng sanlibutan.

Ikalawa ang paniniwala sa 7 mga sakramento na daluyan ng biyaya ng Panginoon; ikatlo ang pamumuhay ng naayon sa moralidad na nasasaad sa 10-utos ng Diyos at ang huli ay ang Pananalangin na pagkakaroon ng personal na relasyon sa pagitan ng Panginoon.

“There are four pillars of our Catholic belief, very easy to memorize its C-S-M-P yun ang four pillars of our of our Catholic faith yun ang ating pinanghahawakan at yun ang tinatawag nating core belief ng ating pananampalataya C-S-M-P, Creed – Sacraments – Morality – Prayer…” Pagbabahagi ni Bishop Bagaforo.

Samantala, ibinahagi rin ng Obispo na ang tema ng paghahanda ngayong taon para sa ika-500 taon ng Kristyanismo sa Pilipinas na Year of Ecumenism, Inter-religious Dialogue and Indigenous People ay hango rin sa 2nd Vatican Council na nagsusulong sa ekumenismo at pakikipagkaisa sa pagitan ng mga relihiyon na matagal ng hinahangad ng Simbahang Katolika.

“With the coming of the Vatican II Council this desire for Christian unity was again given more emphasis with the focus of the declaration on the importance of Ecumenism, tayo dito sa Pilipinas ngayong taon year 2020 in line with our celebration of the 500 Years of Christianity for our 9 year preparation we are now on our last year of preparation before the final one which will be next year our theme of our liturgical celebration is focus on that on Ecumenism our efforts on Inter-religious Dialogue and Ecumenism there is always that desire for unity…”pahayag ng Obispo.

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 2,506 total reads

 2,506 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 8,496 total reads

 8,496 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 46,170 total reads

 46,170 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 272,440 total reads

 272,440 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 165,906 total reads

 165,906 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 259,519 total reads

 259,519 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top