Ikalawang taong anibersaryo ng pagpaslang sa isang pari sa Nueva Ecija, inalala

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 711 total reads

June 11, 2020, 6:01AM

Pinangunahan ni Diocese of Cabanatuan Bishop Sofronio Bancud ang paggunita sa ikalawang anibersaryo ng maharas na pagkamatay ni Rev. Fr. Richmond Nilo.

Si Fr. Nilo ay pinaslang sa mismong tabi ng altar ng kapilya ng Nuestra Señora de la Nieve sa Zaragoza, Nueva Ecija noong ika-10 ng Hunyo taong 2018.

Ayon kay Bishop Bancud, bagamat patuloy na naghahatid ng lungkot at takot ang sinapit na karahasan ni Fr. Nilo ay isang magandang halimbawa naman ang buhay pananampalataya ng Pari sa lahat ng Katoliko na nanindigan sa kanyang paniniwala at pananampalataya sa Diyos.

“Aming ginunita yung talagang kamatayan niya pero I put emphasis to the fact that he was slain at yun yung medyo nagdala ng lungkot sa iba, mga takot, mga tanong pero ang aking binigyang diin ay isang magandang pagkakataon na sariwain natin yung nangyari kay Fr. Richmond at maging halimbawa yung kanyang paninindigan sa pananampalataya na kahit noong bago pa siya namatay ay napagsabihan na siya sa mga banta o mga death threats ay pinanindigan pa rin niya…” pahayag ni Bishop Bancud sa panayam sa Radio Veritas.

Dahil dito umaasa ang Obispo na ang buhay at kamatayan ni Fr. Nilo ay magbukas ng kamalayan ng bawat mananamapalataya sa mahigpit na paghawak at paninindigan sa pagiging isang binyagang Katoliko.

Inaasahan ni Bishop Bancud na magsilbing inspirasyon ang matapat na pananampalataya ni Fr. Nilo hindi lamang sa mga mananampalataya sa Diyosesis ng Cabanatuan kundi maging sa lahat ng mga Filipino.

“Sana ito’y magbukas ng kaisipan sa lahat ng mananampalataya hindi lamang sa Diocese ng Cabanatuan kundi para sa lahat ng mga binyagan na dapat nating balikan at mapanghawakan yung biyaya ng ating pagiging binyagan sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo at diyan nagmumula yung ating paninindigan para sa Mabuting Balita ng ating Panginoon…” Dagdag pahayag ni Bishop Bancud.

Binigyang diin naman ng Obispo na bukod sa pandemyang kinahaharap ng sangkatauhan mula sa Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 ay may isa pang pandemya na patuloy na kumakalat sa lipunan at hindi pa rin mawakasan.

Tinukoy ng Obispo ang pandemya ng katiwalian, kurapsyon at karahasan na patuloy na lumalaganap at hindi pa rin mawakasan sa lipunan.

“Sa misa binigyang diin ko na kahit ngayon sa panahon na pandemic, meron pang pandemic that is much worse than COVID-19 at ito yung pandemic ng graft and corruption and the violence that is continuously spread…”Pagbabahagi pa ni Bishop Bancud.

Si Rev. Fr. Richmond Nilo ay binaril habang naghahanda sa pagsasagawa ng banal na misa sa mismong araw ng Linggo noong ika-10 ng Hunyo taong 2018.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 84,646 total reads

 84,646 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 178,782 total reads

 178,782 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 223,050 total reads

 223,050 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 246,159 total reads

 246,159 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 317,477 total reads

 317,477 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top