Buhay na pag-asa ng kapwa, mensahe ng Corpus Christi

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 654 total views

June 12, 2020, 6:16PM

Hinimok ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mananampalataya na sariwain ang mga habilin ni Hesus sa mga apostoles sa huling hapunan sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Kabanal-banalang Katawan at Dugo ni Kristo.

Ayon kay Cabanatuan Bishop Sofronio Bancud, chairman ng CBCP-Episcopal Commission for the Biblical Apostolate, nawa’y maisabuhay ng bawat mananampalataya ang halimbawa ni Hesus na nag-alay ng sariling buhay para sa sanlibutan.

Sa huling hapunan din naitatag ni Kristo ang Banal na Eukaristiya na ginugunita sa bawat oras ng buhay ng tao sa pakikipag-ugnayan sa Panginoon sa pamamagitan ng pag-alala sa kanyang habilin na ‘Gawin ninyo ito bilang pag-alala sa akin’ kasabay ng paghahati ng tinapay.

Sinabi ng Obispo na ang bawat isa ay maging tinapay sa kanyang kapwa lalo na ngayong nahaharap sa krisis ang sanlibutan kung saan higit kinakailangan ang pagtutulungan at pagkakaisa.

“Kinakailangan ng mundo ngayon ang pagkakaisa at pagtutulungan, nawa’y we become bread broken to the people around us,” pahayag ni Bishop Bancud sa Radio Veritas.

Ito rin ay paalala sa bawat isa na patatagin ang pananampalataya sapagkat dito napapaloob ang mga tagubilin ni Hesus.

Ipinaalala ng Obispo na isapuso si Hesus at gawing sentro sa bawat buhay upang magkaroon ng pagbubuklod-buklod sa pamayanan at matamo ang kapayapaan.

Inihayag ni Bishop Bancud na ipinagdiwang ang Banal na Eukaristiya para pag-alabin sa puso ng bawat mananampalataya ang mga salita ng Diyos na magsisilbing gabay at makatutulong sa pagtugon sa mga hamong kinakaharap ng lipunan at mundo.

Iginiit ng opisyal na kung paano nilalabanan ng mamamayan ang krisis na dulot ng pandemic COVID 19 ay magkaisa rin nawang labanan ang iba pang suliranin sa tulong ng Panginoong Hesus sa Banal na Eukaristiya.

“Kung itong pandemic na ito ng COVID-19 ay pinagsisikapan nating paglabanan upang malampasan; hari nawa itong mas masahol na pandemic ng korapsyon at karahasan ay atin ding mapagtagumpayan,” dagdag ni Bishop Bancud.

Umaasa rin ang obispo na kabilang din sa Congregation of the Blessed Sacrament na ang pagdiriwang ng Corpus Christi ay patuloy na magbibigay ng sigla at buhay na pag-asa na kasama ang Panginoong Hesus.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 156,554 total views

 156,554 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 186,777 total views

 186,777 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 213,423 total views

 213,423 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 308,396 total views

 308,396 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 319,222 total views

 319,222 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top