Obispo, hiniling sa pangulong Duterte na payagan na ang pagdiriwang ng religious services

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 607 total reads

June 14, 2020, 12:42PM

Muling umapela ang tagapangasiwa ng Arkidiyosesis ng Maynila sa pamahalaan na ikonsidera ang pagpahintulot sa pagdiriwang ng mga gawaing pansimbahan.

Sa pagninilay ni Bishop Broderick Pabillo sa misang ginanap sa Radio Veritas Chapel, iginiit nitong hindi dapat ihanay sa entertainment ang mga religious services at hindi rin ito matatawag na mass gatherings dahil tinitiyak ng mga simbahan na mahigpit maipatutupad ang physical distancing.

“Religious activities should not be necessarily considered as mass gatherings because we have safeguards to control the people who come to our religious services,” bahagi ng pagninilay ni Bishop Pabillo.

Binigyan diin ng Obispo na hindi makatarungan na limitahan lamang sa lima hanggang sampung katao ang dadalo sa mga banal na misa kung pagbabasehan ang lawak ng simbahan kumpara sa mga tanggapan na hindi matitiyak ang iminumungkahing isang metrong pagitan bilang pagtalima sa panawagang physical distancing.

Sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Kabanal-banalang Katawan at Dugo ng Panginoong Hesukristo, binigyang diin ni Bishop Pabillo na hindi sapat ang online mass para tugunan ang spiritual needs ng mananampalataya.

“Online masses are not the same as the real Eucharist; For this we clamor to the IATF to consider religious service as essential services and not just consider us in the category of entertainment, among movies and beauty salons,” dagdag ng obispo.

Binigyang pansin ng Obispo na sa halos tatlong buwang quarantine at pagkansela ng mga banal na misa ay napagkaitan ang mananampalataya na makatanggap ng Katawan at Dugo ni Kristo sa Banal na Komunyon.

Ipinaliwanag ni Bishop Pabillo na nararapat na magsalita upang ipaglaban ang mahalagang sangkap sa buhay ng bawat mananampalataya ang pagtanggap sa Katawan at Dugo ni Kristo sa pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya.

Matatandaang sa rekomendasyon ng IATF hanggang limang katao lamang ang papayagang makadadalo sa religious gatherings sa mga lugar na umiiral ang general community quarantine habang sampung katao naman sa modified general community quarantine.

Sa ika – 15 ng Hunyo nakatakdang ipahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte ang panibagong alituntunin sa community quarantine batay sa rekomendasyon ng mga ekspertong pangkalusugan.

Ibabase ng pangulong Duterte sa rekomendasyon ng I-A-T-F ang maging pasya kung ibababa sa M-E-C-Q ang Metro Manila o National Capital Region.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 24,199 total reads

 24,199 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 44,744 total reads

 44,744 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 120,845 total reads

 120,845 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 206,215 total reads

 206,215 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 252,951 total reads

 252,951 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 300,822 total reads

 300,822 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 398,663 total reads

 398,663 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top