Pagbubukas ng mga Simbahan sa Bohol, ikinatuwa ng mga mananampalataya.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 738 total reads

Tiniyak ng Diyosesis ng Tagbilaran ang pagtugon sa pang-espiritwal na pangangailangan ng mga mananampalataya sa Bohol.

Positibo si Bishop Alberto Uy na susundin at makikiisa ang mamamayan sa mga alituntuning ipinatutupad kasabay ng pagpayag na muling buksan ang mga simbahan sa publiko sa limitadong bilang ng mga dadalo.

“Yet in spite of all these, please trust me that I am tediously looking for workable solutions to our current situation, always with the common good in mind,” pahayag ni Bishop Uy.

Noong ika – 14 ng Hunyo pormal nang binuksan ang mga simbahan sa Bohol na pinanabikan ng mahigit sa kalahating milyong Katolikong Boholano na halos tatlong buwang hindi nakapagsimba ng personal dahil sa ipinatupad na panuntunan sa community quarantine.

Sa anunsyo ng Pangulong Rodrigo Duterte nitong ika – 15 ng Hunyo, kabilang ang Bohol sa mga lalawigang pinalawig ang general community quarantine hanggang sa katapusan ng buwan.

Dahil dito kapwa inihayag ng diyosesis at ng Sangguniang Panlalawigan ng Bohol na papayagan nang makadalo sa religious activities ang mananampalataya na limitado lamang sa 25-porsiyento ng kabuuang kapasidad ng simbahan ang maaring makapasok.

Mahigpit na ipinatupad sa mga simbahan ang safety health protocols tulad ng pagsusuot ng facemasks, pagpatupad ng ‘One Entrance, One Exit Policy’ lamang sa bawat simbahan upang matiyak na ma-control ang dami ng mga dadalo sa misa, physical distancing sa loob ng Simbahan, paggamit ng mga alcohol, foothbath at pagkuha ng temperatura ng katawan.

Ipinasusulat din sa mga paorokya ang pangalan at tirahan ng mga dadalo sa misa upang mas mabilis isagawa ang posibilidad ng contact tracing kung sakaling magkaroon ng virus ang isa sa mga nagtutungo sa lugar.

“I am confident and optimistic that the instructions contained in this missive shall be fully-complied without any reservation,” dagdag pa ni Bishop Uy.

Bukod dito ipinag-utos rin ni Bishop Uy sa mga pari na iksian lamang hanggang 45 minuto ang pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya, limitado rin ang oras na ilalaan sa homiliya, gayundin ang bilang ng koro na maghahandog ng awitin sapagkat pinapayagan lamang na kakantahin ang pambungad na awit, awit sa pag-aalay at mga awitin sa Banal na Komunyon.

Sa isinagawang dry run ng diyosesis para sa new normal, hiniling ni Bishop Uy sa mananampalataya ang pang-unawa at pakikiisa laban sa COVID 19.

“As your Bishop, I am humbly asking for your understanding. We are in difficult times, the space to move is very tight; the options are very limited,” giit ng obispo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 85,540 total reads

 85,540 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 179,612 total reads

 179,612 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 223,880 total reads

 223,880 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 246,989 total reads

 246,989 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 318,273 total reads

 318,273 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top