Archbishop Ledesma, masaya sa appointment ni Pope Francis ng bagong arsobispo ng Archdiocese of Cagayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 525 total reads

June 24, 2020, 9:55AM

Ikinatuwa ng Arkidiyosesis ng Cagayan de Oro ang pagkakatalaga ng bagong pinunong pastol na mamahala sa kawan ng Diyos sa naturang lugar.

Ayon kay Cagayan de Oro Archbishop Emeritus Antonio Ledesma, hindi na bago kay Malaybalay Bishop Jose Cabantan ang lugar sapagkat matagal din itong nagsilbi matapos ma-ordinang pari noong 1990 kaya’t kilala na nito ang mga kasamahang pari maging ang mga mananampalataya sa Archdiocese.

“The local church is glad to have him back; Archbishop Cabantan comes from the archdiocese of Cagayan De Oro and already knows most of the clergy and many lay leaders,” pahayag ni Archbishop Ledesma sa Radio Veritas.

Matatandaang ika – 23 ng Hunyo 2020 nang itinalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco si Bishop Cabantan bilang kahalili ni Archbishop Ledesma.

Inanunsyo ito ng Vatican ganap na alas dose ng tanghali sa Roma habang alas sais ng gabi naman oras sa Pilipinas.

Si Bishop Cabantan ay tubong Lagonglong, Misamis Oriental at nagtapos sa kursong Chemical Engineering sa Cebu Institute of Technology bago pumasok sa St. John Vianney Theological Seminary sa Cagayan de Oro.

Ilan sa mga naging misyon ni Bishop Cabantan bago italang obispo ng Malaybalay noong 2010 ay ang pagiging parochial vicar ng St. Augustine Metropolitan Cathedral ng Cagayan de Oro, naging Dean of Studies ng San Jose de Mindanao Seminary, Director ng San Jose Seminary sa Quezon City, formator sa St.John Vianney Theological Seminary sa Cagayan de Oro, at kura paroko ng Medalla Milagrosa parish.

Sa kasalukuyan ay pinamumunuan ni Bishop Cabantan ang Commitee on Basic Ecclessial Communities ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Samantala tiniyak naman ni Archbishop Ledesma ang buong suporta kay Archbishop-elect Cabantan na mamamahala sa mahigit isang milyong mananampalataya ng arkidiyosesis katuwang ang halos 200 mga pari na nangasiwa sa higit 60 mga parokya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 5,140 total reads

 5,140 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 42,520 total reads

 42,520 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 73,791 total reads

 73,791 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 151,007 total reads

 151,007 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 244,964 total reads

 244,964 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top