Mayor Isko, Dumalo sa Misa ng Pasasalamat sa Manila Cathedral

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,668 total reads

Ikinalugod ng tagapangasiwa ng Arkidiyosesis ng Maynila ang pagkakaisa ng mga lider ng lunsod ng Maynila upang gunitain ang anibersaryo ng pagkakatatag.

Sa ‘Misa Pasasalamat’ ng lunsod na ginanap sa Minor Basilica of the Immaculate Conception o Manila Cathedral, sinabi ni Bishop Broderick Pabillo na makahulugan at magandang pagkakataon ang pagsama-sama ng mga kawani at opisyal ng lunsod dahil ito ay tanda ng pagpapaubaya sa Diyos sa lahat ng kinakaharap sa pamamahala lalo na sa kasalukuyang sitwasyon sa gitna ng pandemya.

“Magandang tayo’y nagsama-sama ngayon kinikilala ang pagkakatatag ng ating lunsod, tayo’y magdasal, manalangin sa Diyos na tulungan tayo. Pinaubaya natin sa kamay ng Diyos ang mga ginagawa at humingi ng bendisyon sa Kanya,” bahagi ng pagninilay ni Bishop Pabillo.

Ayon sa obispo, sa panahong humaharap ang bansa at ang buong daigdig sa krisis na dulot ng pandemic COVID-19 napakamakabuluhan ang paninikluhod sa Panginoon upang hingin ang Kanyang paggabay na malampasan ng bawat mamamayan ang epektong idinudulot nito. Ang pagdiriwang ng Araw ng Maynila ay kasabay rin ng Dakilang Kapistahan ni San Juan Bautista ang na siyang nauna at naghanda sa daraanan ni Hesus upang ipaalam sa mamamayan ang Kanyang pagdating.

Batay sa kasaysayan ika – 24 ng Hunyo 1571 nang maitatag ang Manila sa pangunguna ni Spanish Explorer Miguel Lopez de Legazpi kung kaya’t bahagi ng selebrasyon ng ika – 449 na anibersaryo ay pinangunahan ni Mayor Isko Moreno Domagoso at Vice Mayor Honey Lacuna ang wreath laying sa libingan ni Legazpi sa San Agustin Church sa Intramuros Manila.

Panawagan pa rin ng alkalde sa mamamayan ng lunsod ang pagkakaisa at pagtutulungan upang mapagtagumpayan ang bawat hamon ng pagpapaunlad sa kapakinabangan ng mahigit sa 13-milyong mamamayan ng lunsod.

“Patuloy pa rin ang paghikayat natin sa mga Manileño na tulong-tulong tayo upang umusbong at lumago ang ating lunsod,” pahayag ng alkalde.

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 715 total reads

 715 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 6,523 total reads

 6,523 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 43,903 total reads

 43,903 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 75,174 total reads

 75,174 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 152,296 total reads

 152,296 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 246,200 total reads

 246,200 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top