Archbishop elect Cabantan, nagpapasalamat sa mga mananampalataya ng Diocese of Malaybalay

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 525 total views

June 28, 2020, 10:32

Kinilala at pinasasalamatan ng bagong talagang arsobispo ng Cagayan de Oro ang mga mananampalataya ng Diyosesis ng Malaybalay Bukidnon dahil sa malaking ambag nito sa paghubog bilang pastol ng simbahang katolika.

Sa panayam ng Radio Veritas kay Archbishop- elect Jose Cabantan, sinabi nitong ang mananampalataya ng Malaybalay ang tumulong sa kanya upang maging mabuting obispo sapagkat hindi ito napag-aralan sa loob ng seminaryo o sa kahit anong silid aralan kundi sa mga tunay na karanasan kasama ang mga pari at layko ng diyosesis.

“Para sa Diocese ng Malaybalay malaki ang aking pasasalamat sa pakikipag-ugnayan sa kanila, sila ang tumulong sa akin kung paano mamuhay at maging mabuting obispo sapagkat hindi ito napag-aaralan but you have to find your way kung mapipili kang obispo,” pahayag ni Bishop Cabantan sa Radio Veritas.

Labis din ang pasasalamat ni Archbishop-elect Cabantan sa mga pari, madre, at mga relihiyoso na naging katuwang niya sa pamamahala at paggabay sa mahigit isang milyong Katoliko sa lugar kung saan pinalalakas ang pundasyon ng maliliit na komunidad sa pamamagitan ng Basic Ecclesial Communities.

Ika – 23 ng Hunyo ng hinirang ang obispo bilang kahalili ng nagretirong si Archbishop Emeritus Antonio Ledesma makaraang maabot ang mandatory retirement age nito.
Bagamat hindi na bago kay Archbishop Cabantan ang Cagayan De Oro, tiniyak naman nitong makipag-ugnayan ito sa mga pari at mga komunidad sa arkidiyosesis upang alamin ang kasalukuyang sitwasyon at makapagbalangkas ng mga programang angkop na makatutulong sa pagpapalago ng pananampalataya sa lugar.

Kasalukuyang pinamumunuan ng bagong arsobispo ang Commitee on Basic Ecclessial Communities ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Sa August 28, 2020, pormal na i-install si Archbishop Cabantan bilang Arsobispo ng Cagayan de Oro kasabay ng kapistahan ni San Agustin.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 46,071 total views

 46,071 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 41,940 total views

 41,940 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 78,142 total views

 78,142 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 86,879 total views

 86,879 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 112,302 total views

 112,302 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top