Diocese ng Antipolo naglabas ng panalangin laban sa Covid-19

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 795 total reads

July 2, 2020-12:19pm

Hingin ang patnubay ng Panginoon sa panahon ng krisis na dulot ng Covid-19.

Ito ang panawagan at panalangin nina Antipolo Bishop Francis de Leon at Auxiliary Bishop Nolly Buco sa mga nasasakupang kawan na patuloy na nangangamba dahil sa novel coronavirus gayundin sa kanilang kabuhayan.

Sa inilabas na video message ng mga obispo na Panalangin  ng mga Pastol nakapaloob din dito ang pakikiisa ng simbahan sa paghihirap na nararanasan ng mga mananampalataya.

“Diyos naming Makapangyarihan, kami ay nagpapasalamat sa biyaya ng buhay na Iyong ipinagkaloob at patuloy na ipinagkakaloob. Inilalapit namin sa Iyo ngayon ang aming mga kalooban na ikaw lamang ang nakakaalam sa kabila ng mga krisis ng aming nararanasan. Gayundin ang mga sakit at hinagpis ng aming mga kapatid na patuloy na tumatanaw sa isang maayos at payapang kinabukasan,” ang bahagi ng panalangin ng mga Obispo laban sa Covid-19 na nakalathala sa antipolodiocese.org.

Gayundin ang panalangin para kanilang kalakasan at kaligtasan mula sa virus at ang paggaling naman sa mga dinapuan ng Covid-19.

Umaasa din ang mga obispo ng Antipolo na mapapawi rin ang suliranin ng mundo mula sa virus sa bisa ng patuloy na panalangin sa Panginoon.

Muli namang pinalawig ng Inter-Agency Task Force ang General Community Quarantine (GCQ) sa lalawigan ng Rizal kung saan naitala ang higit sa 700-kaso ng nahawaan ng Covid-19 na ang pinakamalaking bilang ay mula sa Antipolo City.

 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 20,596 total reads

 20,596 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 72,329 total reads

 72,329 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 120,200 total reads

 120,200 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 224,148 total reads

 224,148 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 309,163 total reads

 309,163 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top