Katarungan para sa 14 na managingisda, panawagan ng Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 569 total views

July 4, 2020-6:03am

Nanawagan ang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa mga otoridad na imbestigahan ang tunay na nangyari sa pagbangga ng Hong Kong cargo vessel sa bangka ng mga Filipinong mangingisda sa karagatan ng Occidental Mindoro.

Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, Vice Chairman ng CBCP- Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) mahalagang mabigyang katarungan ang sinapit ng 14 na Filipinong mangingisda na magpahanggang sa ngayon ay hindi pa natatagpuan.

Binigyang diin rin ng Obispo na napapanahon na upang tutukan ng pamahalaan ang kapakanan at kaligtasan ng mga mangingisda lalo na sa karagatang sakop ng bansa upang maiwasan ang mga katulad na insidente.

Giit ni Bishop Santos, higit kailanman ay nararapat na ring isulong ng pamahalaan ang soberanya ng bansa.

“There should be thorough investigation so that truth could out and justice be served. It is now most opportune time to do what is best, most beneficial so that our fishermen would be well protected; their fishing rights be respected and observed; and tragic events could be avoided. We also, have assert our rights and sovereignty over our lands and seas,” ang bahagi ng pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Tiniyak naman ng Obispo ang pakikiisa at pananalangin para sa kaligtasan ng nawawalang mangingisda at kapanatagan ng loob ng kanilang mga pamilya.

Batay sa paunang imbestigasyon, nabangga ng Hong Kong cargo vessel na MV Veinna Wood ang MV Liberty Cinco (5) na pag-aari ng Irma Fishing and Trading kung saan lulan ang nawawalang 14 na Filipinong mangingisda sa karagatang ng Cape Calavite, Occidental Mindoro.

Patuloy naman ang isinasagawang search and rescue operation ng Philippine Coast Guard (PCG) upang mahanap ang mga nawawalang mangingisda na sinasabing iniwan lamang ng Hong Kong cargo vessel matapos mawasak ang bangka ng mga ito kasunod ng naganap na banggaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 73,932 total views

 73,932 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 117,540 total views

 117,540 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 200,253 total views

 200,253 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 211,810 total views

 211,810 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top