Apostolic Administrator ng Archdiocese of Manila, nanawagan sa franchise renewal ng ABS-CBN

SHARE THE TRUTH

 226 total views

July 5, 2020, 11:02AM

Nakiisa ang Arkidiyosesis ng Maynila sa pananawagan sa Kongreso na payagan ang operasyon ng ABS-CBN sa pamamamgitan ng pagkakaloob ng prangkisa.

Sa mensahe ni Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo, binigyang diin nito ang kahalagahan ng media network na katuwang sa paghahayag ng mga impormasyon sa publiko.

Hiling ng obispo sa mga mambabatas na iwasan ang pamumulitika sa pagbibigay ng prangkisa sa Kapamilya network sa halip ay isaalang-alang ang kabutihan ng nakararami.

“Hinihiling po namin na sana hanapin ng mga kongresista ang ikabubuti sa pangkalahatan at hindi ang political agenda ng mga namumuno,” pahayag ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas.

Sinabi ng Obispo na higit kinakailangan ng mamamayan sa panahong ng pandemya ang mga balita tungkol sa tunay na kalagayan ng lipunan at ang entertainment para malibang ang mga tao habang ipinatutupad ang community quarantine sa iba’t- ibang dako ng bansa.

Sa kabila ng pagluwag ng mga panuntunan ng lockdown sa Pilipinas, hinimok pa rin ng mga medical experts ang mamamayan na manatili lamang sa mga tahanan kung hindi mahalaga ang mga pupuntahan upang makaiwas sa pagkahawa-hawa ng corona virus.

“Nanawagan po ako sa mga Kongresista na boboto sa franchise ng ABS-CBN ito po ay kailangan ng mga tao; lalong lalo na sa panahon ngayon na kailangang kailangan nila ng balita, ng mga pahayag at entertainment sa panahong ito na may community quarantine dahil sa pandemic,” giit ni Bishop Pabillo.

Nakatakdang magbobotohan ang mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa 25-year franchise ng ABS-CBN sa ikaanim ng Hulyo sa pangunguna ng Franchise Committee at ng Good Government and Public Accountability committee.

Dismayado ang pamunuan ng Kapamilya Network sa tila panggigipit ng pamahalaan sa renewal ng kanilang prankisa lalo’t maraming mga broadcast franchise ang napaso na ang prankisa ngunit pinapayagan ng National Telecommunications Communications na magpatuloy sa pag-broadcast kabilang na rito ang prangkisa ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Ikinalungkot ni Bishop Pabillo na nagagamit ang kongreso sa pamumulitika lalo na sa mga kritiko at pumupuna sa mga maling polisiya ng kasalukuyang administrasyon.

“Mahayag po nakikita natin ngayon itong pagbibigay ng franchise sa ABS-CBN ay hindi na hinahanap ang kabutihan ng pangkalahatan, ang kominukasyon; ngunit ginagawang political tool na pagko-control sa media, at sa press,” giit ni Bishop Pabillo.

Matatandaang ikalima ng Mayo ng huminto sa pag-broadcast ang ABS-CBN ganap alas 7:52 ng gabi kasunod ng cease and desist order ng NTC habang unang araw ng Hulyo naman ng itinigil ng network ang broadcast sa kanilang TV plus digital box dahil kabilang aniya ito sa CDO na inilabas ng NTC.

Umaasa ang tagapangasiwa ng arkidiyosesis ng Manila na isaalang-alang ng mga mambabatas na boboto sa desisyon ang kapakanan ng maraming Filipino at hindi ang interes ng iilang nasa kapangyarihan.

“Kaya dapat po sana ang mga kongresista ay panindigan nila ang tungkulin sa bayan at hindi po sa mga namumuno ng bansa,” dagdag ni Bishop Pabillo.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Manggagawang Pilipino

 22,981 total views

 22,981 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 29,137 total views

 29,137 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Kalidad ng Buhay sa Syudad

 33,499 total views

 33,499 total views Marahil isa sa mga dahilan kung bakit nauuso ngayon sa maraming pamilya ang pagbili ng mga farmlots o beach lots kahit ganito pa ito kaliit at kamahal ay dahil bumababa na ang kalidad ng buhay sa mga syudad habang tumataas naman ang lahat ng mga gastusin. Ngayong tag-init, mas ramdam din ng mga

Read More »

Trabaho sa kabila ng init

 44,090 total views

 44,090 total views Mga Kapanalig, kumusta kayo ngayong tag-init? Siguro, iba’t ibang paraan na ang nagawa ninyo upang ibsan ang napakataas na temperatura ngayon. Mayroon siguro sa inyong pumunta na sa beach para mag-swimming at sa mall para magpa-aircon. O kaya naman, panay ang kain ninyo ng halo-halo at ice cream para magpalamig. Samantala, may mga

Read More »

Patuloy ang pagyurak sa dignidad ng tao

 52,313 total views

 52,313 total views Mga Kapanalig, itigil ang patayan! Ito pa rin ang panawagan ng mga human rights groups at mga samahang naniniwala sa halaga ng buhay at diginidad ng tao. Dalawang taon kasi mula nang matapos ang administrasyong Duterte, na kilala sa madugong war on drugs, patuloy pa rin ang patayan sa mga komunidad sa ilalim

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Norman Dequia

Pastoral at spiritual enhancement ng mga kawani ng security forces ng bansa, tiniyak ng MOP

 116 total views

 116 total views Tiniyak ng Military Ordinariate of the Philippines ang pagpapalago sa espiritwalidad ng mga kawani ng security forces ng bansa. Ito ang mensahe ni Military Bishop Oscar Jaime Florencio kasunod ng paggawad ng sakramento ng kumpil sa 38 inidbidwal sa National Headquarters ng Bureau of Fire Protection sa Quezon City. Sinabi ng obispo na

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahang mag-pilgrimage sa Antipolo cathedral

 140 total views

 140 total views Inaanyayahan ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mananampalataya na makiisa sa pilgrimage season ngayong buwan ng Mayo sa pagbisita sa International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo Cathedral. Ayon sa obispo magandang pagkakataon na makibahagi ang kristiyanong pamayanan sa mayamang kultura at tradisyon ng diyosesis kung saan sinimulan

Read More »
Latest News
Norman Dequia

Obispo, nagbabala sa publiko kaugnay sa A.I.

 2,526 total views

 2,526 total views Pinag-iingat ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mamamayan higgil sa paggamit ng makabagong teknolohiya, lalo na ang Artificial Intelligence. Ayon kay Boac Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr., chairman ng CBCP Episcopal Commission on Social Communication tulad ng mga modernong bagay maraming magagandang maidudulot ang paggamit ng A.I dahil pinabibilis

Read More »
Latest News
Norman Dequia

Santo Papa Francisco sa mga Kura Paroko: Itaguyod ang misyon at simbahang sinodal

 2,688 total views

 2,688 total views Pinaalalahanan ng Papa Francisco ang mga kura paroko sa natatanging gawain na maging tagapastol sa bawat binyagan tungo sa iisang misyong ipalaganap ang Mabuting Balita sa sanlibutan. Sa ginanap na International Meeting “Parish Priests for the Synod” sa Roma kinilala ng santo papa ang malaking gampanin ng mga kura paroko upang itaguyod ang

Read More »
Latest News
Norman Dequia

Pinakabatang Arsobispo ng Pilipinas, iniluklok bilang pinuno ng Archdiocese ng Caceres

 3,375 total views

 3,375 total views Humiling ng panalangin si Archbishop Rex Andrew Alarcon kasunod ng pagluklok bilang ikalimang arsobispo ng Archdiocese of Caceres sa Bicol region. Sinabi ng arsobispo na mahalaga ang mga panalangin ng mamamayan upang manatiling gabay ang Panginoon sa kanyang pagpapastol sa mahigit isang milyong kawan na ipinagkatiwala ng simbahan sa kanyang pangangalaga. Ito ayon

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mga bagong katungkulan sa Archdiocese of Manila, isinapubliko

 9,066 total views

 9,066 total views Itinalaga ng Kanyang Kabunyian Manila Arcbishop Jose Cardinal Advincula ang ilang pari sa kanilang bagong katungkulan sa mga parokya, mission stations at institusyon ng Archdiocese of Manila. Kabilang sa mga nagkaroon ng pagbabago ang pamunuan ng San Carlos Seminary kung saan itinalagang Rector si Fr. Rolando Garcia Jr. habang Vice Rector, Procurator at

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pagkakahirang sa ika-5 Pilipinong Obispo sa US, ikinatuwa ng Archdiocese of Cagayan de Oro

 9,610 total views

 9,610 total views Ikinatuwa ng Archdiocese of Cagayan de Oro ang pagtalaga ng Papa Francisco kay Filipino priest Fr. Reynaldo Bersabal bilang Auxiliary bishop ng Diocese of Sacramento. Ayon kay Archbishop Jose Cabantan, ito ay palatandaang patuloy ang paglago ng kristiyanismo sa Pilipinas sapagkat nakapagbahagi ng mga misyonerong Pilipino sa ibayong dagat. “We praise and thank

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mga kabataan, inaanyayahang tuklasin ang bokasyon

 9,716 total views

 9,716 total views Umaasa si Novaliches Bishop Emeritus Antonio Tobias na maging bukas ang mga kabataang pagnilayan ang bokasyon at tumugon sa tawag ng Panginoong maglingkod sa kawan. Ito ang mensahe ng obispo sa pagdiriwang ng pandaigdigang panalangin para sa bokasyon kasabay ng Linggo ng Mabuting Pastol. Ayon sa Obispo, nawa’y pakinggan ng mga kabataan ang

Read More »
Cultural
Norman Dequia

4-libong kabataan, lalahok sa national vocation festival

 13,353 total views

 13,353 total views Iginiit ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa mga diyosesis sa basna ang pagtataguyod sa bokasyon ng mga kabataan. Ayon kay CBCP Episcopal Commission on Vocations Executive Secretary Fr. Randy de Jesus, dapat magkaroon ng ‘kultura ng bokasyon’ ang simbahan sa Pilipinas upang magabayan ang mga kabataang nais maglingkod sa kawan ng

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Katarungan para sa pinaslang na babae sa Bohol, panawagan ng obispo

 14,677 total views

 14,677 total views Mariing kinundena ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy ang karumal-dumal na pagpaslang kay Roselyn Gaoiran ng Tubigon Bohol. Hinimok ni Bishop Uy ang mga awtoridad na magsagawa ng malawakang imbestigasyon upang mapanagot ang mga nasa likod ng krimen. “We urge the authorities to promptly initiate a thorough investigation to ensure that the perpetrator(s) are

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Iwasan ang malawakang military conflict sa Middle East,panawagan ni Pope Francis

 14,982 total views

 14,982 total views Umapela ang Kanyang Kabanalan Francisco na iwasan ang anumang hakbang na magpapalala sa karahasang nangyayari sa pagitan ng Israel at Hamas militant sa Middle East. Ito ang panawagan ni Pope Francis kasunod ng pag-atake ng Iran sa Israel na magdudulot ng lalong pagkasira sa magkatunggaling bansa at higit na makakaapekto sa mga mamamayan

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Dayalogo para sa kapayapaan, hangad ng Santo Papa

 20,795 total views

 20,795 total views Umaasa ang Kanyang Kabanalan Francisco na maliwanagan ang kaisipan ng mga taong nagsusulong ng karahasan para sa pagkakasundo at kapayapaan. Ayon kay Pope Francis, nawa’y sa liwanag na hatid ni Hesus na muling nabuhay ay mapaigting ang mga hakbang ng dayalogo sa magkakatunggaling mga bansa at manaig sa mundo ang kapayapaang hatid ni

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mamamayan, pinag-iingat ng AOC sa mga nagpapanggap na pari ng Roman Catholic

 23,504 total views

 23,504 total views Pinaalalahanan ng Archdiocese of Manila – Office of Communications (AOC)ang mamamayan lalo na ang mga tanggapan at institusyon na nagdiriwang ng Banal na Misa sa labas ng mga simbahan na mag-ingat sa mga indibidwal na nagpapanggap na pari ng Roman Catholic. Nababahala si National Shrine of the Sacred Heart Team Ministry Member, AOC

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Paglapastangan sa parokya sa Binalbagan, Negros Occidental; Bishop Galbines, pansamantalang ipinasara ang simbahan

 24,511 total views

 24,511 total views Pansamantalang isinara sa publiko ang San Isidro Labrador Parish Church sa Binalbagan, Negros Occidental dahil sa insidente ng paglapastangan sa mga sagradong bagay ng simbahan. Ayon kay Kabankalan Bishop Louie Galbines, ang paglapastangan sa altar at sa mga bagay na binibigyang pagpapahalaga at paggalang ng simbahan kaya’t kinakailangan ang pagsasagawa ng pagbabayad-puri tungo

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pagkasawi ng mga naghahatid ng tulong sa digmaan sa Gaza, ikinababahala ng Santo Papa

 24,692 total views

 24,692 total views Ikinalungkot ng Kanyang Kabanalan Francisco ang nagpapatuloy na karahasang nangyayari sa Gaza Strip lalo na ang pagkakapaslang sa mga taong tumutulong sa mga inosenteng sibilyan. Dalangin ni Pope Francis ang katatagan ng mga pamilyang naiwan ng mga biktima ng karahasan at muling umapela sa kinauukulan na pahintulutan ang humanitarian aid para sa kapakinabangan

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top