Obispo, nangangamba na magdudulot ng kaguluhan ang “anti-terror law”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 562 total reads

July 7, 2020, 1:52PM

Nangangamba si Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo na maging dahilan ang Anti-Terrorism law sa pagdami ng mamamayang diskuntento sa kasalukuyang administrasyon.

Ipinaliwanag ni Bishop Pabillo na ito ay dahil sa paglikha ng batas na hindi naman tutugon sa pangunahing suliranin na kinakaharap ng bansa lalu sa COVID-19 pandemic.

Ito ang pahayag ng obispo sa ginanap na online press conference sa isinusulong na Junk Terror Law at Uphold PH Constitution kasama ang mga kinatawan mula sa CBCP-Nassa, Non-government Organization at civil society.

Tinukoy ni Bishop Pabillo ang patuloy na paglala ng suliranin ng mga Filipino dahil sa banta ng virus na nagreresulta ng kakulangan sa trabaho, public transport at pagkagutom ng maraming mamamayan.

“Ang anti-terror law ay hindi naman nakakatugon sa mga problemang ito. Ang mga problemang ito ay ang ugat ng terorismo, kung hindi matutugunan ang mga ito patuloy na magiging diskuntento ang mga tao at madali silang maakit ng mga grupo na naghahanap ng gulo sa lipunan,” ayon kay Bishop Pabillo.

Nag-aalala ang obispo na dahil sa anti-terror law at malawakang kagutuman ang maging dahilan ng mamamayan na mahikayat na lumahok sa mga grupong laban sa pamahalaan.

Ipinagdarasal ni Bishop Pabillo na kontrobersiyal na batas ay magiging ugat ng terorismo kapag hindi matutugunan ang pangunahing pangangailangan ng mamamayan.

Aminado ang Obispo na nakakagalit at nakakalungkot ang paglagda ng Pangulong Rodrigo Duterte sa isang batas na hindi masusing pinag-aralan.

“Sa totoo lang ang anti-terror law ay hindi naman laban sa terorista. Ito ay pampanakot sa mga tao na nakakaranas ng kapalpakan ng pamahalaan sa pagtugon sa basic services at kasalukuyang pandemya. Ang batas na ito ay madaling gamitin laban sa mga taong nanawagan ng pagbabago sa pamahalaan,” dagdag pa ng obispo.

Nilinaw naman ni Bishop Pabillo na ito ay ang kaniyang personal na opinion at hindi bilang kinatawan ng anumang grupo.

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 13,129 total reads

 13,129 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 157,191 total reads

 157,191 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 191,868 total reads

 191,868 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 209,077 total reads

 209,077 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 245,563 total reads

 245,563 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 254,632 total reads

 254,632 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top