“Critical collaboration”, mahalaga sa Simbahan at estado

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 631 total views

July 21, 2020, 1:45PM

Iginiit ng opisyal ng Radio Veritas 846 at Caritas Manila na mahalagang magtulungan ang pamahalaan at simbahan sa kabila ng pag-iral ng ‘separation of church and state’ sa Saligang Batas.

Ayon kay Rev. Fr. Anton CT Pascual, pangulo ng Radio Veritas at Executive Director ng social arm ng Archdiocese of Manila, nararapat lamang na may ugnayan ang simbahan sa pamahalaan sapagkat kapwa ito naglilingkod para sa ikabubuti ng nakararami.

“There should be collaboration always and dialogue. Church relationship with State is what we call CRITICAL COLLABORATION!,” pahayag ni Fr. Pascual sa Radio Veritas.

Ito ang tugon ng pari sa pahayag ni Presidential Chief legal counsel Salvador Panelo kung saan sinabing labag sa konstitusyon ang pagpuna ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa pamahalaan.

Tinukoy ni Panelo ang liham pastoral ng CBCP na nananawagan ng pananalangin at pagiging mapagmatyag ng publiko sa pagpapatupad ng kontrobersyal na Anti-Terrorism Law of 2020 sa kabila ng kawalan ng Implementing Rules and Regulations.

Ipinaliwanag ni Fr. Pascual na totoong may pagkakaiba ang simbahan at estado sa larangan at konteksto ng organisasyon at pamumuno ngunit sa usapin ng paglilingkod para sa kabutihang panlahat ay dapat nagtutulungan ang dalawang institusyon.

“Sec. Panelo said there is separation of church and state daw. That’s true is the context of: Organization? Yes; Leadership? Yes; Resources? Yes; but no separation in the context of: People that we BOTH serve especially the POOR; Common Good, & Environment,” dagdag pa ni Fr. Pascual.

Unang hinamon ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo si Panelo na maghain ng reklamo laban sa CBCP kung tunay itong nakalalabag sa konstitusyon.

Sinabi ni Bishop Pabillo na ang pagsasalita at pakikibahagi ng simbahan sa usaping panlipunan ay naglalayong gabayan ang mamamayan upang makita ang mga pangyayari sa maka-Kristiyanong pananaw.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 151,642 total views

 151,642 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 181,866 total views

 181,866 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 208,512 total views

 208,512 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 303,485 total views

 303,485 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 314,606 total views

 314,606 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top