Prelatura ng Marawi, nagluluksa sa pagpanaw ng tinaguriang Marawi siege survivor

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 754 total reads

July 22, 2020, 12:28PM

Nakiisa at nakiramay ang Aid to the Church in Need sa mga kaanak at sa Prelatura ng Marawi sa pagpanaw ni Rev. Fr. Teresito Soganub.

Ikinagulat ni Jonathan Luciano, National Director ng ACN-Philippines ang biglaang pagpanaw ng pari nitong umaga ng ika – 22 ng Hulyo dahil sa cardiac arrest.

“Nakalulungkot talaga ang nangyari kay Fr. Chito pero kaisa kami ng sambayanang Filipino sa pagdarasal para sa kapayapaan ng kanyang kaluluwa at patuloy na nagpapasalamat sa pagbabahagi ng kanyang buhay sa lahat,” pahayag ni Luciano sa panayam ng Radio Veritas.

Sa Facebook post ni Marawi Bishop Edwin Dela Peña, ibinahagi nito ang malungkot na balitang pagpanaw ni Fr. Soganub sa kanyang tahanan sa Noralah, South Cotabato dahil sa atake sa puso habang natutulog.

“It is with great sadness that we make this announcement, in behalf of the Prelature of Marawi. OUr dealy beloved Fr. Teresito Soganub died of cardiac arrest in his sleep early this morning July 22, 2020 in his home in Noralah, South Cotabato,” bahagi ng anunsyo ni Bishop Dela Peña.

Matatandaang si Fr. Soganub ang pari na kabilang sa dinukot ng teroristang Maute sa St. Mary’s Cathedral sa Marawi City nang sumiklab ang kaguluhan sa lugar noong Mayo 2017 na tumagal ng limang buwan.

Naging bihag si Fr. Soganub ng mga terorista sa loob ng 117 araw at tuluyang nakalaya nang matakasan ang teroristang grupo at sa tulong ng mga sundalo.

Ibinahagi pa ni Luciano na naging katuwang ng ACN si Fr. Soganub sa pagpapalaganap ng mga tunay na nangyari sa Marawi siege upang higit na maunawaan ng mamamayan ang sitwasyon sa Islamic City at makapagbalangkas ng mga hakbang upang hindi na maulit ang insidente.

Hinahangaan din ni Luciano ang ipinamalas na katapangan ng pari sa pagharap sa pinakamapanganib na sitwasyon sa kamay ng mga terorista at nanatiling kumakapit sa pananalig sa Diyos.

“Marami ang na-inspire sa istorya ng katapangan ni Fr. Chito at tunay na nagpapasalamat tayo sa naibahagi satin; he shared his story of faith and courage and he remained really faithful to the Lord despite the many things that had happened to him,” dagdag ni Luciano.

Bukod dito kaisa rin si Fr. Soganub sa programa ng ACN na Red Wednesday campaign na ipinagdiriwang sa iba’t ibang bahai ng mundo bilang pagpupugay sa mga Kristiyanong nakararanas ng mga pang-uusig dahil sa pagtatanggol ng pananampalataya at sa programang Duyog Marawi na naglalayong muling ibangon ang lungsod.

Si Fr. Soganub ay nagsisilbing chancellor sa Prelatura ng Marawi at Vicar General naman sa St. Mary’s Cathedral.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 115,416 total reads

 115,416 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 253,166 total reads

 253,166 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 368,941 total reads

 368,941 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 484,753 total reads

 484,753 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top