July 27, 2020, idineklarang “day of prayer and fasting”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 728 total reads

July 26, 2020, 2:18AM

Idineklara ni Diocese of Legazpi Bishop Joel Baylon na Day of Prayer and Fasting sa buong diyosesis ang ika-27 ng Hulyo taong 2020 na araw ng ika-5 State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Sa liham pastoral, inatasan ni Bishop Baylon ang lahat ng mga pari, relihiyoso, relihiyosa at mga mananampalataya sa buong diyosesis na i-alay ang lahat ng banal na misa sa ika-27 ng Hulyo para sa kapayapaan, pagkakasundo at paghihilom ng buong bansa.

Hinihikayat rin ni Bishop Baylon ang bawat parokya na magsagawa ng Holy Hour para sa parehong intensyon na magkaroon na ng ganap na kaayusan sa bansa.

“This coming Monday, July 27, 2020 our nation will once again listen to the State of the Nation Address (SONA) of President Rodrigo Roa Duterte. As Catholic citizens of this nation, let us continue to pray for our country and our government leaders. I am declaring July 27, 2020 to be a Day of Prayer and Frating in our diocese. I am enjoining all the priests to offer All Masses on that day for Peace, Reconciliation and Healing in our country. I also encourage the parishes to have a Holy Hour for the same intention.” liham pastoral ni Bishop

Hinimok rin ng Obispo ang mga mananampalataya sa diyosesis na ipanalangin ang lahat ng mga opisyal ng pamahalaan lalo’t higit ang Pangulo na gabayan ng Banal ng Espiritu upang manatiling tapat sa tungkulin at magdesisyon para sa kabutihan ng buong bansa.

Iginiit rin ni Bishop Baylon na walang katotohanan ang naging akusasyon ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na pakikialam ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) upang impluwensyahan ang Korte Suprema kaugnay sa kontrobersyal na Anti-Terrorism Act (ATA) of 2020.

Ipinaliwanag ng Obispo na walang anumang intensyon ang mga Obispo na manghimasok o impluwensyahan ang anumang sangay ng pamahalaan sa halip ay bahagi ng ‘moral duty’ ng mga lingkod ng Simbahang Katolika na magsalita at makialam sa mga usaping panlipunan upang magsilbing gabay ng taumbayan.

“This accusation is false. It is never in the intention of the leaders of the Catholic Church to put pressure on anyone or any branch of the government. We, bishops, together with the clergy, are simply exercising our moral duty to remind the highest court of the land to protect the citizens against anything in the newly signed law that might violate their human rights.” Dagdag pa ni Bishop Baylon.

Batay sa tala, may 47 ang parokya sa Diocese of Legazpi na nagsisilbing bahay dalanginan ng higit sa 1.4 na milyong mananampalataya.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 29,707 total reads

 29,707 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 130,080 total reads

 130,080 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 215,450 total reads

 215,450 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 262,187 total reads

 262,187 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 310,059 total reads

 310,059 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 407,472 total reads

 407,472 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top