Social media surveillance, itinuturing ng CBCP na mapanganib

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 696 total reads

August 5, 2020, 12:13PM

Naniniwala ang opisyal ng social communications ministry ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na lubhang mapanganib ang binabalak ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas na isama ang social media sa pangangasiwaan sa ilalim ng anti-terror law.

Ayon kay Boac Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr., chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Social Communications, ang plano ng Armed Forces of the Philippines ay labag sa Saligang Batas.

“On the plan of the AFP to include Social Media sa surveillance under the Anti-Terror Law, I believe that this inclusion will be another dangerous element/thing to be added to the already controversial and highly contested law; I believe this would just be another window for abuse in the already questionable law,” pahayag ni Bishop Maralit sa Radio Veritas.

Ang mensahe ng obispo ay kasunod ng pahayag ni AFP Chief of Staff Lt. Gen. Gilbert Gapay na isama ang social media sa babantayan sa ilalim ng Anti-Terror Law sapagkat ginagamit ito ng mga terorista.

Ikinatwiran ng A-F-P Chief sa pamamagitan ng social media mas nakakahimok at nakakapag-recruit ang mga terorista at nakapagpa-plano ng mga pang-atake sa pamahalaan.

Nilinaw ni Bishop Maralit na mahirap paniwalaan ang tunay na layunin ng naturang batas lalo’t patuloy ang pamamayagpag ng ‘subjective brandings’ lalo na sa mga indibidwal at institusyong pumupuna sa pamamahala ng kasalukuyang administrasyon.

“No matter how much we are assured that it is only for those who really pose a threat to national security, it is truly hard to see the objectivity of this point when we continue to witness subjective brandings or biased profiling of people or institutions,” saad pa ni Bishop Maralit.

Inihalimbawa ng Obispo ang pagturing sa mga healtworkers na rebolusyunaryo dahil sa pagsasapubliko ng kanilang mga hinaing kaugnay sa pagtugon sa krisis na dulot ng corona virus pandemic.

Iginiit ni Bishop Maralit na malalabag ang karapatang pantao ng isang indibidwal na pinaghihinalaang terorista kung walang matibay na ebidensya at walang warrant of arrest.

Hugas-kamay naman si Presidential Spokesperson Harry Roque sa personal na opinyon ng pinuno ng A-F-P na hindi sumasalamin sa pamahalaan.

Kasalukuyang nakahain sa Korte Suprema ang 12 petisyon na muling suriin ang nasabing batas at liwanagin ang mga probisyong napapaloob dito.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 12,112 total reads

 12,112 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 68,640 total reads

 68,640 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 154,006 total reads

 154,006 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 200,742 total reads

 200,742 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 248,614 total reads

 248,614 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 349,185 total reads

 349,185 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top