Covid-19 pandemic labanan ng pagmamahal

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,578 total reads

Pag-aalaga at pagmamalasakit at hindi takot ang kinakailangang iparamdam sa mga taong may sakit ngayong panahon ng pandemya.

Ito ang pagbabahagi ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo sa Radio Veritas sa kanyang naging karanasan nang magpostibo siya sa sakit na COVID-19.

“Tayo naman na malakas, tulungan natin yung mga nagkakasakit. Alam ninyo, malaking tulog ‘yung pagtetext sa kanila, malaking tulong rin ‘yung pagpapaalala sa kanila. Minsan ‘yung pagbibigay ng mga prutas at mga pagkain ay nakakapagpagaan ng loob sa mga taong may sakit. Sa panahong ito, kailangan nila ng contact hindi man physical contact, ngunit contact ng pag-aalaga at pagmamalasakit.” bahagi ng pahayag ni Bishop Pabillo

Matatandaang ika-23 ng Hulyo ng humiling ng panalangin si Bishop Pabillo sa mga mananampalataya matapos na magpositibo sa COVID-19 sa isinagawang RT-PCR.

Sa pagbabahagi ng Obispo, inilahad nito ang kanyang karanasan at pinagkaabalahan nung siya ay sumailalim sa quarantine.

“Nung lumabas ang swab test result, ako ay isolated na sa aking kwarto at ‘yan po ay tumagal ng mga halos dalawang linggo. Pagkatapos po noon ay nagpaswab test ulit ako at lumabas na negative na pero nanatili pa ako sa kwarto ng mga isang linggo bago ako makapagmisa. Wala naman akong nararamdaman sa aking sarili. Araw-araw kinukuha ko ‘yung temperature ko, pinagmamasdan ang aking sarili at sa awa ng Diyos wala naman akong nararamdaman. Alam ko lang na may sakit ako dahil sinabi lang ng test.” paglalahad ni Bishop Pabillo

Aniya, nakatulong rin ang social media at teknolohiya upang maipagpatuloy niya ang kanyang gampanin bilang Apostolic Administrator ng Archdiocese of Manila.

Dagdag pa ng Obispo, bagama’t nakakapagmisa siya mag-isa nang siya ay naka-isolate, pinakakinasabikan niyang gawin ay ang pagmimisa sa harapan ng tao.

Inialay rin ng Obispo ang kanyang Misa sa Veritas bilang pasasalamat sa mga nagdasal para sa kanyang kagalingan at sa kagalingan ng mga Filipino at fronliners na dumaranas ng sakit.

“Ako po’y nagpapasalamat sa inyong lahat sa inyong panalangin nung ako ay nagkasakit at salamat sa Diyos na napagtagumpayan ko itong sakit na ito, kaya inaalay ko po ang Banal na Misa bilang pasasalamat at kasama na rin sa lahat ng inyong mga intensyon at patuloy pa natin ipagdarasal ang mga nahihirapan, ang mga may sakit at ang ating mga frontliners.” mensahe ni Bishop Pabillo

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 66,575 total reads

 66,575 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 145,326 total reads

 145,326 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 178,773 total reads

 178,773 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 214,070 total reads

 214,070 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 437,859 total reads

 437,859 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 297,992 total reads

 297,992 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 408,958 total reads

 408,958 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top