1,201 total views
August 10, 2020, 1:46PM
Tiniyak ng Commission on Human Rights ang pakikiisa sa mga katutubo sa pagsusulong ng kanilang karapatan, pagbibigay galang, halaga at proteksyon.
Ginawa ng C-H-R ang pahayag sa katatapos lamang na paggunita ng National Indigenous Peoples Day noong ika-9 ng Agosto na hango sa taunang paggunita ng United Nations sa “International Day of the World’s Indigenous Peoples”.
“The Commission on Human Rights joins in solidarity with the indigenous communities in the Philippines in amplifying the call to respect and protect indigenous peoples’ rights, especially now that the we are facing a global pandemic.” pahayag ng CHR.
Ayon kay CHR Spokesperson Atty Jacqueline Ann de Guia, dagdag pasakit at dagok para sa mga katutubo sa bansa ang krisis na dulot ng COVID-19 pandemic bukod pa sa matagal ng hinaharap na pang-ekonomiya at pampulitikang pakikibaka ng mga katutubo sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
Tinukoy ni De Guia ang problema ng maraming katutubo sa kawalan ng pagkukunan ng malinis na inuming tubig at pagkukunan ng impormasyong medical na titiyak ng kanilang kaligtasan sa sakit.
“As if their long-held struggles as a politically and economically marginalised group are not difficult enough, the current Covid-19 situation has left indigenous peoples at a particular disadvantage. Many of them have less or no access to relevant information and healthcare, and have expressed experiencing discrimination in availing health services. They too lack access to safe water and sanitation that are crucial in preventing the spread of the disease.” Pagbabahagi ni de Guia.
Nasasaad sa Encyclical ng Kanyang Kabanalan Francisco na Laudato Si ang pagbibigay ng malaking papapahalaga sa mga katutubo na siyang pangunahing tagapangalaga ng kalikasan.
Sa kasalukuyan ginugunita ng Simbahan ang Year of Ecumenism, Interreligious Dialougue and Indigenous Peoples kung saan umaasa ang CBCP-Episcopal Commission on Indigenous People na mabuksan ang puso at kamalayan ng bawat isa para sa kapakanan ng mga katutubo.
Bukod sa National Indigenous Peoples Day ay ginugunita din sa Pilipinas ang National Indigenous Peoples Month tuwing buwan ng Oktubre kung saan tinatayang nasa 14 hanggang 17 milyon ang populasyon ng mga Indigenous People sa bansa.