PCEC, nagpaabot ng panalangin sa mabilis na paggaling ni Bishop Iniguez

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 776 total views

August 10, 2020, 2:00PM

Tiniyak ng Philippine Council of Evangelical Churches (PCEC) ang pananalangin para sa mabilis na paggaling ni Ecumenical Bishops Forum (EBF) Chairperson Kalookan Bishop Emeritus Deogracias Iniguez matapos na magpositibo sa Coronavirus Disease 2019.

Ayon kay Evangelical Bishop Noel Pantoja – National Director ng P-C-E-C, isang mahalagang kaibigan si Bishop Iniguez para sa mga pastor at simbahan ng Evangelical Churches na katuwang ng Obispo sa pagsusulong ng mga adbokasiya lalo na kaugnay sa usapin ng ekumenismo.

Pagbabahagi ni Bishop Pantoja, nawa ay hipuin ng mapagpagaling at mapaghimalang kamay ng Panginoon ang katawan at kalusugan ni Bishop Iniguez upang tuluyan ng gumaling mula sa COVID-19.

Dalangin din ni Bishop Pantoja ang muling pagbalik ng sigla at lakas ni Bishop Iniguez na kilalang aktibo sa mga gawain katuwang ng mga pastor mula sa Evangelical Churches.

“We are sudden by what we heard about the infection that had happened to our friend Bishop Deo [Kalookan Bishop Emeritus Deogracias Iniguez] and our prayers goes for him and all the churches and pastors of Philippine Council of Evangelical Churches (PCEC), we love him, we love him as a friend, he’s been in countless PCEC events so may the Lord touch his body right now, may the salvation and the mighty healing hand of our gracious and merciful heavenly Father be upon our friend Bishop Deo, we will continue to pray and trust the Lord that God will miraculously heal him and restore him to his health and even restore him in better form and shape…”pahayag ni Bishop Pantoja sa panayam sa Radyo Veritas.

Ang Ecumenical Bishops Forum ay isa lamang sa mga bumubuong member federation ng Philippine Ecumenical Peace Platform (PEPP) na pinakamalaking ecumenical peace movement ng mga lider ng Simbahan sa bansa kasama ang Catholic Bishops Conference of the Philippines, National Council of Churches in the Philippines, Philippine Council of Evangelical Churches at Association of Major Religious Superiors Men and Women in the Philippines.

Bukod sa pagsusulong ng usapin ng ekumenismo ay aktibo rin ang Ecumenical Bishops Forum sa pangunguna ni Bishop Iniguez sa pakikibahagi sa mga usaping panlipunan at pagsusulong sa pagtiyak ng karapatang pantao at digdinidad sa buhay ng bawat mamamayan.

Naunang umapela ng panalangin si Diocese of Kalookan Bishop Pablo Virgillo David para sa mabilis na paggaling ni Bishop Iniguez na kasalukuyang nagpapagaling sa San Juan de Dios Hospital.

Si Bishop Iniguez ang ikalawang Filipinong Obispo na nagpositibo sa COVID-19 kasunod ni Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo na ngayon ay ganap ng COVID-19 Free.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 150,036 total views

 150,036 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 180,260 total views

 180,260 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 206,906 total views

 206,906 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 301,879 total views

 301,879 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 313,095 total views

 313,095 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top