Covid-19 pandemic labanan ng pagmamahal

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,312 total reads

Pag-aalaga at pagmamalasakit at hindi takot ang kinakailangang iparamdam sa mga taong may sakit ngayong panahon ng pandemya.

Ito ang pagbabahagi ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo sa Radio Veritas sa kanyang naging karanasan nang magpostibo siya sa sakit na COVID-19.

“Tayo naman na malakas, tulungan natin yung mga nagkakasakit. Alam ninyo, malaking tulog ‘yung pagtetext sa kanila, malaking tulong rin ‘yung pagpapaalala sa kanila. Minsan ‘yung pagbibigay ng mga prutas at mga pagkain ay nakakapagpagaan ng loob sa mga taong may sakit. Sa panahong ito, kailangan nila ng contact hindi man physical contact, ngunit contact ng pag-aalaga at pagmamalasakit.” bahagi ng pahayag ni Bishop Pabillo

Matatandaang ika-23 ng Hulyo ng humiling ng panalangin si Bishop Pabillo sa mga mananampalataya matapos na magpositibo sa COVID-19 sa isinagawang RT-PCR.

Sa pagbabahagi ng Obispo, inilahad nito ang kanyang karanasan at pinagkaabalahan nung siya ay sumailalim sa quarantine.

“Nung lumabas ang swab test result, ako ay isolated na sa aking kwarto at ‘yan po ay tumagal ng mga halos dalawang linggo. Pagkatapos po noon ay nagpaswab test ulit ako at lumabas na negative na pero nanatili pa ako sa kwarto ng mga isang linggo bago ako makapagmisa. Wala naman akong nararamdaman sa aking sarili. Araw-araw kinukuha ko ‘yung temperature ko, pinagmamasdan ang aking sarili at sa awa ng Diyos wala naman akong nararamdaman. Alam ko lang na may sakit ako dahil sinabi lang ng test.” paglalahad ni Bishop Pabillo

Aniya, nakatulong rin ang social media at teknolohiya upang maipagpatuloy niya ang kanyang gampanin bilang Apostolic Administrator ng Archdiocese of Manila.

Dagdag pa ng Obispo, bagama’t nakakapagmisa siya mag-isa nang siya ay naka-isolate, pinakakinasabikan niyang gawin ay ang pagmimisa sa harapan ng tao.

Inialay rin ng Obispo ang kanyang Misa sa Veritas bilang pasasalamat sa mga nagdasal para sa kanyang kagalingan at sa kagalingan ng mga Filipino at fronliners na dumaranas ng sakit.

“Ako po’y nagpapasalamat sa inyong lahat sa inyong panalangin nung ako ay nagkasakit at salamat sa Diyos na napagtagumpayan ko itong sakit na ito, kaya inaalay ko po ang Banal na Misa bilang pasasalamat at kasama na rin sa lahat ng inyong mga intensyon at patuloy pa natin ipagdarasal ang mga nahihirapan, ang mga may sakit at ang ating mga frontliners.” mensahe ni Bishop Pabillo

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 35,232 total reads

 35,232 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 71,736 total reads

 71,736 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 89,947 total reads

 89,947 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 174,275 total reads

 174,275 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 210,049 total reads

 210,049 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 215,505 total reads

 215,505 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 355,098 total reads

 355,098 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top