Archdiocese ng Manila, susunod sa GCQ guidelines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 640 total reads

August 18, 2020

Inihayag ng Arkidiyosesis ng Maynila na susundin ang bagong panuntunang ipinatutupad ng pamahalaan sa community quarantine.

Sa pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte, muling isasailalim sa General Community Quarantine ang Metro Manila at karatig lalawigan o ang mas maluwag na panuntunan ng lockdown kung saan pinapayagan na ang pagbubukas ng ilang establisimiyento at maging ang mga pagtitipon tulad ng religious gatherings ngunit limitado lamang sa tatlumpong porsyento sa kapasidad.

Sa mensaheng ipinadala ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo sa Radio Veritas, sinabi nitong susundin ng arkidiyosesis ang panuntunan ng GCQ kaakibat ang mahigpit na pagsunod sa mga health protocols upang matiyak ang kaligtasang pangkalusugan ng mga mananampalataya.

“We follow the GCQ guidelines with strict implementations,” pahayag ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas.

Magugunitang naunang magpatupad ng MECQ guideline ang Arkidiyosesis ng Maynila noong ikaapat ng Agosto bilang tugon sa panawagan ng mga medical frontliners na time-out upang mag-recalibrate ng mga hakbang sa pagtugon sa corona virus pandemic.

Sa kabila ng pagluwag ng panuntunan ay patuloy naman ang pagtaas ng bilang ng mga nahawaan ng virus na sa kasalukuyang tala ng Department of Health ay umabot na sa mahigit 160, 000 kaso.

Panawagan ng simbahan sa mamamayan na paigtingin ang pagsunod sa mga health protocols na ipinatutupad ng mga eksperto sa kalusugan upang maiwasan ang pagkahawa mula sa COVID-19.

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 53,348 total reads

 53,348 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 103,856 total reads

 103,856 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 224,436 total reads

 224,436 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 274,793 total reads

 274,793 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 399,820 total reads

 399,820 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top