Santo Nino de Pandacan parish, pinangunahan ang pamimigay ng tulong sa mga jeepney driver

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 743 total reads

August 22, 2020

Pinatunayan ng Santo Niño de Pandacan Parish na hindi hadlang ang trahedyang naranasan upang lingapin ang mga higit nangangailangan sa gitna ng krisis ng corona virus pandemic.

Sa pakikipagtulungan ng Caritas Manila, namahagi ng tulong ang parokya para sa mga jeepney drivers na namamasada sa lugar na labis din ang pangangailangan dulot ng kawalan ng hanapbuhay sa nakalipas na halos anim na buwan mula nang magpatupad ng community quarantine sa bansa.

Ayon kay Rev. Fr. Anton CT Pascual, Executive Director ng social arm ng Archdiocese of Manila pinasalamatan nito ang Panginoon at naging instrumento ang institusyon upang padalayin sa mananampalataya ang mga biyayang kaloob.

“Nasunog na, tumutulong pa ang ating pinakamamahal na patron ng Santo Niño; nagpasalamat tayo sa Diyos at muli tayong ginamit ng Panginoon upang makapagbigay ng ayuda sa ating jeepney drivers; tayo ay instrumento ng Santo Niño upang matulungan ang mga drivers,” pahayag ni Fr. Pascual sa panayam ng Radio Veritas.

Mahigit sa isandaang mga tsuper ng jeep na pumapasada sa paligid ng Pandacan ang nakatanggap ng tulong tulad ng sampung kilong bigas, de lata, mga gamot at iba pa.

Ayon kay Fr. Pascual, patuloy ang pagkilos ng Caritas Manila kung saan target nitong matulungan ang sampung libong jeepney driver sa kalakhang Maynila.

Nais ng social arm ng simbahan na tulungang makapagtayo ng kooperatiba ang mga tsuper bilang long-term na tulong para sa kanilang kabuhayan at makabili ng bagong jeep ayon sa itinakda sa modernization program ng gobyerno.

Samantala, labis din ang pasalamat ni Rev. Fr. Sanny de Claro, ang kura paroko ng Santo Niño de Pandacan sa Caritas Manila na maging bahagi sa pamamahagi ng tulong sapagkat ito ay paraan din ng paghilom mula sa nakalulungkot na karanasan nang matupok ng apoy ang simbahan noong ika-10 ng Hulyo.

“Nagpapasalamat ako sa Caritas Manila sa napakahusay na ginagawa sa community; you let us heal also sapagkat part ng healing process ay ang pagkakawanggawa,” ayon kay Fr. de Claro.

Tuloy-tuloy pa rin ang proseso at panawagan ng parokya sa mamamayan na magtulungang itayo muli ang simbahan kung saan pinasalamatan ni Fr. de Claro ang mga tumulong tulad ni Manila Mayor Isko Moreno.

Tiniyak din ng Caritas Manila sa pamunuan ng Santo Niño de Pandacan parish ang tulong pinansyal hanggang sa muling maitayo ang simbahan.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 23,106 total reads

 23,106 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 43,654 total reads

 43,654 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 118,308 total reads

 118,308 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 203,678 total reads

 203,678 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 250,413 total reads

 250,413 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 298,285 total reads

 298,285 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 396,207 total reads

 396,207 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top