Panawagan ni Bishop Pabillo, sinuportahan ng AMRSP

SHARE THE TRUTH

 247 total views

August 22, 2020

Nagpahayag ng suporta ang Association of Major Religious Superiors in the Philippines (AMRSP) sa panawagan ni Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo na pahintulutan na magkaroon ng mas maraming kapasidad ang mga Simbahan.

Ayon kay AMRSP Co-Executive Secretary Rev. Fr. Angel Cortez, OFM ang Simbahan ang nagsisilbing matatakbuhan at makakapitan ng mamamayan upang magkaroon ng inspirasyon, pag-asa at karagdagang tapang na harapin ang kasalukuyang sitwasyon na kinahaharap ng bansa mula sa banta ng COVID-19 pandemic.

Paliwanag ng Pari, ang mga Simbahan na nagsisilbing bahay dalanginan at takbuhan ng mga mananampalataya ay isang mahalagang aspekto sa pagharap ng mga Filipino sa pangamba at takot na dulot ng pandemya.

Iginiit ni Fr. Cortez na mahalagang suriin itong mabuti ng pamahalaan lalo na’t naunang ipinamalas ng Simbahan at ng mananampalataya ang pagsunod sa mga alituntuning ipinatutupad ng pamahalaan bilang pag-iingat mula sa pagkalat ng sakit.

“Katulad ng panawagan ni Bishop Broderick Pabillo ganun din yung aking panawagan bilang Pari, huwag nilang isipin na dahil ako ay Paring Katoliko kaya gusto kong dumami na yung tao ang iniisip ko lang ay sa dami ng mga mamamayan ngayon na nangangailangan ng makakapitan at ng pagpapalalim ng pananampalataya at inspirasyon wala silang tatakbuhan kundi ang Simbahan, wala silang ibang pupuntahan, so I demand kung ano yung dapat yun yung ibigay nila kasi tayo namang mga Katoliko never tayong hindi sumunod doon sa gusto nilang mangyari…” pahayag ni Fr. Cortez sa panayam sa Radyo Veritas.

Binigyang diin rin ng Pari ang tila hindi patas na pagtingin ng pamahalaan sa mga establisyemento tulad ng mga mall at restaurant kumpara sa mga Simbahan na parehong nasa ilalim ng kasalukuyang General Community Quarantine.

Pagbabahagi ni Fr. Cortez, mas mayroong naangkop na espasyo at kapasidad ang mga Simbahan upang matiyak ang pagpapatupad ng physical distancing para sa mga dadalo sa banal na liturhiya.

“Nakakalungkot lang na ang mga restaurant, ang mga mall at ang iba pang lugar na maliliit ay pinapayagan na nila na maraming pumasok pero ang Simbahan na kung saan malalaki at pwede tayong magkaroon ng social distancing ay pinipigilan nila yung ating paglalakad ng ating pananampalataya…” Dagdag pa ni Fr. Cortez

Kaugnay nito nauna ng pinuna ni Manila Apostolic Bishop Broderick Pabillo ang pagbago-bagong polisiya ng pamahalaan kaugnay sa bilang ng mga maaaring dumalo sa mga banal na gawain sa mga Simbahan kung saan umiiral ang GCQ.

Ayon sa Obispo, hindi katanggap-tanggap ang pagpapahintulot ng 30-porsyento sa mga restaurants kumpara sa 10-indibidwal lamang para sa mga Simbahan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

EARLY CHILDHOOD CARE AND DEVELOPMENT

 20,859 total views

 20,859 total views Napakaraming magagandang batas sa Pilipinas Kapanalig, pero marami sa mga ito ay hindi naipatupad ng maayos,palpak ang implementasyon… naging ugat ng katiwalian at

Read More »

4Ps ISSUES

 38,272 total views

 38,272 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 52,916 total views

 52,916 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Suweldong hindi nakasasabay sa realidad

 66,781 total views

 66,781 total views Mga Kapanalig, nag-adjourn o nagsarado na ang 19th Congress nang hindi niraratipikahan ang isang panukalang batas na layong itaas ang suweldo ng mga

Read More »

K-12 ba ang problema?

 79,955 total views

 79,955 total views Mga Kapanalig, balik-eskuwela na para sa ating mga estudyante sa mga pampublikong paaralan at ilang pribadong eskuwelahan. Kasabay nito ang muling pag-ingay ng

Read More »

Related Story

Scroll to Top