Simbahan, tutugon sa panawagan ng kalihim ng DOJ

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 788 total views

August 23, 2020

Manila,Philippines– Tiniyak ng Archdiocese of Manila ang pagtugon ng Simbahan sa lumalawak na usapin ng mental health problems dulot ng Coronavirus Disease 2019 pandemic sa mga mamamayan.

Ito ang pagsang-ayon ni Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo sa apela ni Justice Secretary Menardo Guevarra sa mga opisyal ng Simbahan at mga spiritual leader upang makatuwang sa pagbibigay patnubay sa mamamayan sa tumataas na bilang ng mga nagpapatiwakal ngayong may pandemya.

Kaugnay ng panawagan, iginiit ng Obispo na higit na kinakailangang ituring ng pamahalaan na essential services ang religious services na nagsisilbing takbuhan ng mamamayan sa gitna ng mga takot at pangamba dulot ng nakahahawa at nakamamatay na sakit.

Ipinaliwanag ni Bishop Pabillo na dahil dito ay dapat na pahintulutan ng pamahalaan ang mas madaming mananampalataya na makadalo sa mga banal na gawain sa mga Simbahan.

“Ang religious services ay essential services kailangan talaga ng mga tao, kaya nga kung gusto nila tutugon naman kami lumalapit naman sa amin yung ibang nangangailangan pero kailangan natin mas buksan ang mga taong makapagsisimba kasi ito ay nakakatulong sa mga tao, by the fact na lumalapit sila sa Simbahan, nakikiisa sila sa mga pagdiriwang nakakaiwas sa maraming mental health problems.”paglilinaw ni Bishop Pabillo sa panayam sa Radio Veritas.

Inihayag ng Obispo na kinakailangan din ng Simbahan ang tulong at pag-unawa ng pamahalaan upang ganap na makatulong hindi lamang sa pisikal at mental kundi sa pangangailangang pang-espiritwal ng mamamayang naguguluhan at nagdaramdam dahil sa COVID-19 pandemic.

Upang higit na makatulong sa mental health problem ng mamamayan ay hinimok ni Bishop Pabillo na pahintulutan ng pamahalaan ang mas maraming mananampalataya kabilang na ang mga malulusog na matatanda na personal na makadalo sa mga banal na pagdiriwang sa Simbahan.

“Bigyan nila ng kakayahan na makatulong kami ibig sabihin yung papayagan yung mga tao with proper distancing sa mga Simbahan, malalaki naman ang mga Simbahan mas mabuti pa nga yung makakalapit sila at gayundin yung mga matatanda. Tingnan natin ang pangangailangan ng tao hindi lang physical pati mental pati spiritual kaya nga dapat magtulungan tayo dito, tutulong kami pero payagan nila na yung mga tao ay makapasok sa Simbahan…”panawagan ni Bishop Pabillo

Ibinahagi ng Obispo ang karanasan ng siya ay magpositibo sa COVID-19 na kabilang sa mental challenge ngayong mayroong pandemya ang pagkakaroon ng ‘sense of community’ o ang pakiramdam ng hindi pag-iisa at pagkakaroon ng karamay sa gitna ng mga pagsubok at hamon na dulot ng COVID-19.

Ayon kay Bishop Pabillo, ito ang ‘sense of community’ na naidudulot ng pakikibahagi ng mga mananampalataya sa mga banal na gawain sa mga Simbahan.

Dahil dito, muling umapela ang Obispo sa pamahalaan na muling pahintulutan ang 10-porsyento ng kapasidad ng mga Simbahan na makadalo sa mga banal na gawain sa General Community Quarantine sa halip na limitahan lamang ito sa 10-indibidwal.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 148,522 total views

 148,522 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 178,746 total views

 178,746 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 205,392 total views

 205,392 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 300,365 total views

 300,365 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 311,680 total views

 311,680 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top