Opisyal ng CBCP, NO sa revolutionary form of government

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 638 total reads

August 24, 2020

Nanindigan si Ozamiz Archbishop Martin Jumoad na hindi nararapat ang rebolusyonaryong uri ng pamahalaan sa Pilipinas kundi mas higit na linangin ang demokrasyang pamamahala sa bansa.

Ito ang tugon ng arsobispo na bahagi ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Permanent Council sa isinusulong na revolutionary form of government ng grupong Mayor Rodrigo Roa Duterte-National Executive Coordinating Committee (MRRD-NECC).

Iginiit ni Archbishop Jumoad na dapat tutukan ang pagtugon sa COVID-19 pandemic sa halip na baguhin ang kasalukuyang uri ng pamahalaan ng Pilipinas.

“No to revolutionary form of government. Besides, we are in the midst of Pandemic and the government is still functioning; Democracy is still the option even in this moment where there are varied opinions being aired out,” pahayag ni Archbishop Jumoad sa Radio Veritas.

Matatandaang nagtipon noong ika – 22 ng Agosto sa Clark, Freeport Pampanga ang People’s National Coalition for Revolutionary Government and Charter Change upang ipanawagan sa mamamayan ang revolutionary government.

Ito ay inorganisa ng MRRD-NECC, ang organisasyong humimok kay Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbo noong 2016 elections.

Panawagan ni Archbishop Jumoad sa mga Filipino na iwasan ang pagkakahati-hati sa halip ay magkaisa at magtulungan lalo’t nahaharap sa matinding suliranin ang bansa dulot ng pandemya.

“Let us not contribute the sinking of the boat of the government even if we are sailing in rough seas,” ayon sa arsobispo.

Binigyang diin ng opisyal ng CBCP na malaking kakulangan sa pamamahala sa bansa ang pagpapatupad sa mga batas na sinasaad sa konstitusyon at ang mahinang justice system na karamihan sa mga apektado ay ang mga nasa laylayan.

Hamon ni Archbishop Jumoad sa punong ehekutibo na tanggalin sa puwesto ang mga tiwaling opisyal gayundin ang gumagawa ng mga iligal na gawain sa mga ahensya ng gobyerno, alinsunod sa kanyang pangako noong halalan.

“Pres. Rodrigo Duterte must clean his cabinet and terminate them if they are found to be corrupt officials. The same is true with those officials in other agencies who are suspect of illegal activities,” dagdag pa ni Archbishop Jumoad.

Tiniyak naman ng Philippine National Police at ng Department of National Defense na hindi nila suportado ang revolutionary government na labag sa Saligang Batas.

Sa kasalukuyan, walang malinaw na pahayag ang Malacañang sa tunay na kalagayan ng Pangulong Duterte.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Fashion show sa baha

 35,522 total reads

 35,522 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 57,721 total reads

 57,721 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 94,221 total reads

 94,221 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 314,847 total reads

 314,847 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 347,418 total reads

 347,418 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top