Don’t worry! Jesus is there, mensahe sa bagong Auxiliary Bishop ng Archdiocese of Zamboanga

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 735 total views

August 24, 2020

Binati ng Arkidiyosesis ng Ozamiz si Bishop Moises Cuevas sa pormal na pagtatalaga bilang katuwang na obispo sa Arkidiyosesis ng Zamboanga.

Sa panayam ng Radio Veritas kay Archbishop Martin Jumoad, sinabi nitong ang pagtanggap ni Bishop Cuevas sa misyong iniatang ng simbahan ay paghahayag ng pagsunod at pakikiisa sa misyon ni Hesus.

“Congratulations and thank you for saying yes to become the Auxiliary Bishop of Zamboanga; your YES means accepting in helping the Archbishop Romy de la Cruz in carrying the Cross of the Archdiocese,” bahagi ng pahayag ni Archbishop Jumoad.

Pinawi ng arsobispo ang pangamba ni Bishop Cuevas sa bagong hamon na kakaharapin sapagkat kasama nito si Kristo sa bawat gawaing gagampanan sa arkidiyosesis.

Kasabay ng kapistahan ni Apostol San Bartolome nitong ika – 24 ng Agosto ay pormal na itinalagang Auxiliary Bishop ng Zamboanga si Bishop Moises Cuevas na hinirang ng Kanyang Kabanalan Francisco noong Marso.

Pinangunahan ni Archbishop Romulo Dela Cruz ang episcopal ordination kasama sina Archbishop Jumoad at Bishop Julius Tonel habang si Bishop Ronald Lunas naman ang nagbahagi ng pagninilay.

Paalala ni Archbishop Jumoad sa bagong obispo na instrumento lamang ng Panginoon ang mga pastol ng simbahan upang ibahagi sa mananampalataya ang dakilang pag-ibig ng Diyos.

“Don’t worry! Jesus is there. This ministry belongs to God and we are just God’s instruments to accomplish his mission; give your best and God will carry you through,” dagdag pa ni Archbishop Jumoad.

Bilin ng arsobispo kay Bishop Cuevas na patuloy manalangin at higit magtiwala sa Panginoon sa paglilingkod sa kawan ng arkidiyosesis na tahanan ng mahigit sa kalahating milyong Katoliko.

Una nang humiling ng panalangin si Bishop Cuevas sa mananampalataya kaugnay sa panibagong misyong kakaharapin kasama si Archbishop dela Cruz.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 146,694 total views

 146,694 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 176,918 total views

 176,918 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 203,564 total views

 203,564 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 298,537 total views

 298,537 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 309,953 total views

 309,953 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top