Pagbabasa ng Bibliya, tugon sa anxiety at depression

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 620 total views

September 2, 2020

Makatutulong sa mga taong may dinaramdam na problema o suliranin ang pagbabasa ng Bibliya sa halip na ituon ang sarili sa social media o internet.

Ito ang payo ni Rev. Fr. Egai de Jesus, registered counselor & consultant ng University of Santo Tomas Psychotrauma Clinic at Radio Veritas Healing Touch Anchor sa lumalalang mental wellness sa gitna ng pandemya.

Ayon kay Fr. De Jesus, maraming nilalamang kuwento ng pag-asa ang bibliya na makatutulong upang maging positibo ang mga tao sa kabila ng mga nararanasang krisis dulot ng COVID-19 pandemic.

“Go back to the bible. Kasi ito yung maraming kuwento ng pag-asa. Tayo na mismo sa sarili na natin dun sa magagandang bagay na puwede mong panoorin, para sa input ng isip mo, input ng kalooban mo. Para very positive ang dumating.”, pahayag ni Fr. De Jesus sa Radyo Veritas.

Ipinaliwanag ng pari na makatutulong sa mga taong may depression ang pansamantalang pag-iwas sa paggamit ng gadget o pagbababad sa internet na kung saan maraming negatibo ang mababasa at makikitang kawalan ng pag-asa sa nagaganap sa bansa.

Hinihikayat ng pari ang pagkakaroon ng spiritual exercise, meditation at spiritual reading na makatutulong na pampakalma kapag nakararanas ng depression at anxiety.

“Kapag nasa concept na sila ng anxiety saka depression, ‘wag naman silang masyadong puro panood ng puro negative. Kasi lahat ng tao nakasubsob sa internet, sa facebook, sa tv. So lahat ng yan lalo kang matatakot sa mga nangyayari, nadidinig mo. So, mag-avoid tayo ng so much, too much dream na dahil sa mga nakikita na puro negative. So read, & watch something beautiful. Mga spiritual exercises, meditations, spiritual reading.”, ayon sa pari.

Hinimok din ni Fr. De Jesus ang mamamayan na gamitin ang social media o internet sa positibong paraan sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa mga propesyonal tulad ng psychologist o pari at higit sa lahat ang pagdarasal at paghingi ng tulong sa Panginoon.

“Find more time to pray to be connected with God. Find your special place in your house where you can sit or kneel down and pray in silence. Itaas mo yung kamay mo sa Panginoon. Be connected with God, kasi sa huli ang kakapitan mo talaga ‘yung pinakamakapangyarihan sa lahat e. It’s about time to recognize, the mighty power of God.”,pagbabahagi ni Fr. De Jesus.

Ayon naman sa tala ng University of the Philippines-Diliman—Psychosocial Services (UPD-PsycServ), umaabot na sa mahigit 100-tawag sa telepono ang natatanggap nila kada araw mula sa mga nakararanas ng mental health.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 33,300 total views

 33,300 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 51,200 total views

 51,200 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Walang natural disaster

 97,766 total views

 97,766 total views Mga Kapanalig, tila hindi na pangkaraniwan ang init na ating nararanasan sa mga panahong ito!  Sa mga nagdaang linggo, ramdam na ramdam ang

Read More »

No work but with pay?

 85,986 total views

 85,986 total views Mga Kapanalig, maraming manggagawang kapag hindi pumasok, hindi susuwelduhan. Pero bakit tila iba ang patakaran kapag ikaw ay nasa mataas na posisyon sa

Read More »

Hawak mo ang bill!

 104,973 total views

 104,973 total views Mga Kapanalig, kasing-init din ba ng panahon ang inyong ulo nang makita ang inyong bill sa kuryente?  Dito sa Metro Manila at mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top