Obispo, dismayado sa “white sand project” sa Manila bay

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 701 total reads

Dismayado si Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo sa hindi napapanahong proyekto ng pagpapaganda at paglalagay ng artificial white sand sa Manila Bay bilang bahagi ng rehabilitasyon nito sa gitna ng krisis na kinahaharap ng bansa mula sa COVID-19 pandemic.

Sinabi ng Obispo sa panayam ng Radyo Veritas na hindi naaangkop na mas bigyang prayoridad at paglaanan ng pondo ang nasabing proyekto dahil marami ang dumaranas ng hirap at nagugutom sa epekto ng pandemya.

“Ngayong panahon po na napakaraming mga tao na walang trabaho, na walang pagkain, tapos kung gagawa ng ganyang project na aabutin ng higit 300 million (pesos) para lang sa white sand, parang hindi po angkop sa ating panahon ngayon.”,pahayag ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas.

Iginiit rin ng Obispo na mas nararapat na ilaan ng Department of Environment & Natural Resources ang pondo sa pagkakaloob ng trabaho at pagkain sa mamamayang lubos na apektado ng pandemya.

“So ‘yan po’y marami pong mga hindi tama sa paggawa po ng project at lalung-lalo na sa’ting panahon ngayon na hindi angkop sa kalagayan ng ating bayan. Kaya kung ang DENR ay may pera, itulong nya sana sa mga pagbibigay ng trabaho, pagbibigay ng pagkain sa mga nangangailangan.”, dagdag pa ni Bishop Pabillo.

Ipinaliwanag ng bispo na hindi rin nakatitiyak na ang nasabing white sand ay magtatagal at mapapanatili ang kagandahan ng Manila Bay dahil mapupuno lamang ito ng basura kapag sinalanta ng bagyo ang bansa.

“Hindi pa naman natin sigurado na ang white sand na ‘yan ay mananatili kasi alam naman natin na kapag t’wing bumabagyo ay talagang pinapasukan ‘yan ng lahat ng mga dumi so, pansamantala lang ‘yung kagandahan nyan.”pahayag ni Bishop Pabillo

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 186,137 total reads

 186,137 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 256,880 total reads

 256,880 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 290,329 total reads

 290,329 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 325,628 total reads

 325,628 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 544,667 total reads

 544,667 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 161,113 total reads

 161,113 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top