Opisyal ng CBCP, ipinagdarasal na magkaroon ng accountability ang bawat tao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 526 total views

Umaasa ang isang Camillian priest na tulad ng Mahal na Birheng Maria ay malaman at maunawaan ng bawat isa ang kanilang mga gampanin sa buhay.

Ito ang pagninilay ni Rev. Fr. Dan Cancino, MI sa Kapistahan ng Kapanganakan ng Mahal na Birheng Maria.

Ayon sa Pari na siya ring Executive Secretary ng CBCP – Episcopal Commission on Health Care, kabilang sa mga gampanin ng bawat isa ngayong panahon ng pandemya ay ang pagkakaroon ng accountability o pananagutan.

Paliwanag ni Fr. Cancino mahalaga ang pananagutan ng bawat isa hindi lamang para sa kapwa kundi maging para sa bayan at sa Panginoon.

“Magmula ng siya ay mag-oo sa kalooban ng Diyos hanggang sa paanan ng krus hindi nanghina si Maria sa kanyang pagsunod sa kalooban ng Diyos, alam niya ang kanyang gampanin at nawa itong birthday ng ating Inang si Maria malaman din natin ang ating gampanin. Ang gampanin natin sa panahon ng COVID ay ang gampanin na tinatawag kung tayo ay may accountability sa ating kapwa, tayo ay may accountability sa ating bayan at tayo din ay may accountability sa ating Panginoong Diyos.”pagninilay ni Fr. Cancino sa misa sa Radyo Veritas.

Sinabi ng Pari na mahalagang tupdin ang gampanin na itinatas ng Panginoon sa bawat isa bilang Filipino, anak ng Diyos at miyembro ng komunidad.

Iginiit ni Fr. Cancino na gaano man kaliit o kalaki ang gampanin na ipinagkaloob ng Diyos ay kinakailangan itong magawa bilang isang tunay at ganap na lingkod ng Panginoon.

“Tuparin natin ang ating gampanin bilang Filipino, bilang anak ng Diyos, bilang miyembro ng pamilya, bilang miyembro ng sambayanan, bilang miyembro ng ating mga grupo dahil sa simple, mababang gampanin natin kahit gaano kaliit iyan matutupad natin ang kalooban ng Diyos.” Dagdag pa ni Fr. Cancino.

Kabilang sa mga tinukoy ng Pari na simpleng gampaning dapat tupdin ngayong pandemya ay ang pagsusuot ng face mask, face shield at pagsunod sa mga safety health protocols.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 72,963 total views

 72,963 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 72,963 total views

 72,963 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 72,963 total views

 72,963 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 70,705 total views

 70,705 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 64,636 total views

 64,636 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top