Mananampalataya, inaanyayahan sa kauna-unahang kapistahan ng Our Lady of Penafrancia sa Metro Manila

SHARE THE TRUTH

 320 total views

Inaanyayahan ng Most Holy Trinity Parish sa Balic Balic Sampaloc Manila ang mananampalataya na makiisa sa kauna-unahang pagdiriwang ng kapistahan ng Mahal na Birhen ng Peñafrancia nitong Setyembre.

Sa unang pagkakataon isasagawa sa Metro Manila ang ‘PAGSUNGKO’ o kahalintulad sa Peñafrancia festival sa Bicol region ngunit gagawin itong motorcade sa Mahal na Ina.

Inatasan ni Reverend Father Eric Adoviso, kura paroko ng Most Holy Trinity si Fr. Joebert Fernandez na pangunahan ang paghahanda sa pagdiriwang bilang paraan ng simbahan ng paghingi ng tulong sa Mahal na Birhen ng Peñafrancia na mawakasan na ang corona virus pandemic.

Sa panayam ng Radio Veritas kay Fr. Fernandez, isinalaysay nito ang ambag ng Mahal na Birhen upang pigilan ang epekto ng epidemya ng kolera noong ika – 17 siglo na pinaniniwalaang makatulong ito sa kasalukuyang kinakaharap na pandemya.

“Inatasan ako ni Fr. Eric [Adoviso] na simulan ang Peñafrancia; nakita namin sa history ng Penafrancia wayback 1700’s nagkaroon po ng epidemya na kung saan marami ang namatay; sa Bicol naman dinala yung image [Our Lady of Peñafrancia] at yun ang ginamit nila na pansangga sa epidemya ng kolera kaya zero casualty ang Bicol; sumikat at kinilala si Ina sa Naga City at naging Ina ng Bicol region,” pahayag ni Fr. Fernandez sa Radio Veritas.

Pangungunahan ng grupo ng mga Bicolanong pari at seminarista ang gawain kung saan sa ika – 11 ng Setyembre ay magsisimula ang siyam na araw na nobenaryo na magtatapos sa ika – 19 ng buwan.

Tiniyak ni Fr. Fernandez na ang PAGSUNGKO ay hindi lamang basta motorcade kundi nakaugat sa pananalangin sa Diyos sa tulong ng Mahal na Ina ng Peñafrancia at babaunin ng bawat dadalo at makiisa hanggang sa pag-uwi sa kanilang mga tahanan.

“Nililinaw namin na ang prusisuyon ay hindi lang paglalakad-lakad, kundi ang prusdisyon ay prayerful going with the Blessed Virgin; yung mga nasa loob ng sasakyan o yung mga magmomotor ay makiisa sa panalangin at babalik sila sa kanilang tahanan baon ang mga gawi ni Mama Mary,” dagdag ng pari.

Sa pag-ikot ng motorcade ng Ina ng Peñafrancia, hinimok ni Fr. Fernandez ang mananampalataya na magsindi ng kandila sa pagdaan ng prusisyon.

Mahigpit na tagubilin naman ng Simbahan ang safety health protocol tulad ng pagsusuot ng facemask, face shield at physical distancing bilang pag-iingat sa nakahahawang sakit.

“Kahit na humihingi tayo ng tulong ni Mama Mary na matapos na ang pandemic, gawin din natin yung dapat nating gawing pag-iingat,” giit ng pari. Ang kauna-unahang PAGSUNGKO ay gaganapin sa ika – 19 ng Setyembre mula ala-una hanggang alas singko ng hapon na iikot sa paligid ng Sampaloc Manila kasabay ang pagdarasal ng Santo Rosaryo.

Pormal namang nailuklok sa Most Holy Trinity Parish ang imahe ng Mahal na Ina na nagmula pa sa Bicol region na binasbasan ni Caceres Archbishop Rolando Tria Tirona.

Samantala, nagpaabot naman ng paunang pasasalamat ang organizers ng PAGSUNGKO partikular sa lokal na pamalaan ng lunsod ng Maynila sa pagpapahintulot na isasagawa ang banal na gawain at maging sa national government sa pamamagitan ni Department of Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na nagbigay pahintulot na madala ang imahe mula Bicol patungong Manila.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Manggagawang Pilipino

 20,189 total views

 20,189 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 26,345 total views

 26,345 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Kalidad ng Buhay sa Syudad

 30,707 total views

 30,707 total views Marahil isa sa mga dahilan kung bakit nauuso ngayon sa maraming pamilya ang pagbili ng mga farmlots o beach lots kahit ganito pa ito kaliit at kamahal ay dahil bumababa na ang kalidad ng buhay sa mga syudad habang tumataas naman ang lahat ng mga gastusin. Ngayong tag-init, mas ramdam din ng mga

Read More »

Trabaho sa kabila ng init

 41,298 total views

 41,298 total views Mga Kapanalig, kumusta kayo ngayong tag-init? Siguro, iba’t ibang paraan na ang nagawa ninyo upang ibsan ang napakataas na temperatura ngayon. Mayroon siguro sa inyong pumunta na sa beach para mag-swimming at sa mall para magpa-aircon. O kaya naman, panay ang kain ninyo ng halo-halo at ice cream para magpalamig. Samantala, may mga

Read More »

Patuloy ang pagyurak sa dignidad ng tao

 49,521 total views

 49,521 total views Mga Kapanalig, itigil ang patayan! Ito pa rin ang panawagan ng mga human rights groups at mga samahang naniniwala sa halaga ng buhay at diginidad ng tao. Dalawang taon kasi mula nang matapos ang administrasyong Duterte, na kilala sa madugong war on drugs, patuloy pa rin ang patayan sa mga komunidad sa ilalim

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Norman Dequia

Obispo, nagbabala sa publiko kaugnay sa A.I.

 2,244 total views

 2,244 total views Pinag-iingat ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mamamayan higgil sa paggamit ng makabagong teknolohiya, lalo na ang Artificial Intelligence. Ayon kay Boac Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr., chairman ng CBCP Episcopal Commission on Social Communication tulad ng mga modernong bagay maraming magagandang maidudulot ang paggamit ng A.I dahil pinabibilis

Read More »
Latest News
Norman Dequia

Santo Papa Francisco sa mga Kura Paroko: Itaguyod ang misyon at simbahang sinodal

 2,406 total views

 2,406 total views Pinaalalahanan ng Papa Francisco ang mga kura paroko sa natatanging gawain na maging tagapastol sa bawat binyagan tungo sa iisang misyong ipalaganap ang Mabuting Balita sa sanlibutan. Sa ginanap na International Meeting “Parish Priests for the Synod” sa Roma kinilala ng santo papa ang malaking gampanin ng mga kura paroko upang itaguyod ang

Read More »
Latest News
Norman Dequia

Pinakabatang Arsobispo ng Pilipinas, iniluklok bilang pinuno ng Archdiocese ng Caceres

 3,093 total views

 3,093 total views Humiling ng panalangin si Archbishop Rex Andrew Alarcon kasunod ng pagluklok bilang ikalimang arsobispo ng Archdiocese of Caceres sa Bicol region. Sinabi ng arsobispo na mahalaga ang mga panalangin ng mamamayan upang manatiling gabay ang Panginoon sa kanyang pagpapastol sa mahigit isang milyong kawan na ipinagkatiwala ng simbahan sa kanyang pangangalaga. Ito ayon

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mga bagong katungkulan sa Archdiocese of Manila, isinapubliko

 8,805 total views

 8,805 total views Itinalaga ng Kanyang Kabunyian Manila Arcbishop Jose Cardinal Advincula ang ilang pari sa kanilang bagong katungkulan sa mga parokya, mission stations at institusyon ng Archdiocese of Manila. Kabilang sa mga nagkaroon ng pagbabago ang pamunuan ng San Carlos Seminary kung saan itinalagang Rector si Fr. Rolando Garcia Jr. habang Vice Rector, Procurator at

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pagkakahirang sa ika-5 Pilipinong Obispo sa US, ikinatuwa ng Archdiocese of Cagayan de Oro

 9,349 total views

 9,349 total views Ikinatuwa ng Archdiocese of Cagayan de Oro ang pagtalaga ng Papa Francisco kay Filipino priest Fr. Reynaldo Bersabal bilang Auxiliary bishop ng Diocese of Sacramento. Ayon kay Archbishop Jose Cabantan, ito ay palatandaang patuloy ang paglago ng kristiyanismo sa Pilipinas sapagkat nakapagbahagi ng mga misyonerong Pilipino sa ibayong dagat. “We praise and thank

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mga kabataan, inaanyayahang tuklasin ang bokasyon

 9,455 total views

 9,455 total views Umaasa si Novaliches Bishop Emeritus Antonio Tobias na maging bukas ang mga kabataang pagnilayan ang bokasyon at tumugon sa tawag ng Panginoong maglingkod sa kawan. Ito ang mensahe ng obispo sa pagdiriwang ng pandaigdigang panalangin para sa bokasyon kasabay ng Linggo ng Mabuting Pastol. Ayon sa Obispo, nawa’y pakinggan ng mga kabataan ang

Read More »
Cultural
Norman Dequia

4-libong kabataan, lalahok sa national vocation festival

 13,090 total views

 13,090 total views Iginiit ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa mga diyosesis sa basna ang pagtataguyod sa bokasyon ng mga kabataan. Ayon kay CBCP Episcopal Commission on Vocations Executive Secretary Fr. Randy de Jesus, dapat magkaroon ng ‘kultura ng bokasyon’ ang simbahan sa Pilipinas upang magabayan ang mga kabataang nais maglingkod sa kawan ng

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Katarungan para sa pinaslang na babae sa Bohol, panawagan ng obispo

 14,413 total views

 14,413 total views Mariing kinundena ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy ang karumal-dumal na pagpaslang kay Roselyn Gaoiran ng Tubigon Bohol. Hinimok ni Bishop Uy ang mga awtoridad na magsagawa ng malawakang imbestigasyon upang mapanagot ang mga nasa likod ng krimen. “We urge the authorities to promptly initiate a thorough investigation to ensure that the perpetrator(s) are

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Iwasan ang malawakang military conflict sa Middle East,panawagan ni Pope Francis

 14,721 total views

 14,721 total views Umapela ang Kanyang Kabanalan Francisco na iwasan ang anumang hakbang na magpapalala sa karahasang nangyayari sa pagitan ng Israel at Hamas militant sa Middle East. Ito ang panawagan ni Pope Francis kasunod ng pag-atake ng Iran sa Israel na magdudulot ng lalong pagkasira sa magkatunggaling bansa at higit na makakaapekto sa mga mamamayan

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Dayalogo para sa kapayapaan, hangad ng Santo Papa

 20,532 total views

 20,532 total views Umaasa ang Kanyang Kabanalan Francisco na maliwanagan ang kaisipan ng mga taong nagsusulong ng karahasan para sa pagkakasundo at kapayapaan. Ayon kay Pope Francis, nawa’y sa liwanag na hatid ni Hesus na muling nabuhay ay mapaigting ang mga hakbang ng dayalogo sa magkakatunggaling mga bansa at manaig sa mundo ang kapayapaang hatid ni

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mamamayan, pinag-iingat ng AOC sa mga nagpapanggap na pari ng Roman Catholic

 23,241 total views

 23,241 total views Pinaalalahanan ng Archdiocese of Manila – Office of Communications (AOC)ang mamamayan lalo na ang mga tanggapan at institusyon na nagdiriwang ng Banal na Misa sa labas ng mga simbahan na mag-ingat sa mga indibidwal na nagpapanggap na pari ng Roman Catholic. Nababahala si National Shrine of the Sacred Heart Team Ministry Member, AOC

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Paglapastangan sa parokya sa Binalbagan, Negros Occidental; Bishop Galbines, pansamantalang ipinasara ang simbahan

 24,250 total views

 24,250 total views Pansamantalang isinara sa publiko ang San Isidro Labrador Parish Church sa Binalbagan, Negros Occidental dahil sa insidente ng paglapastangan sa mga sagradong bagay ng simbahan. Ayon kay Kabankalan Bishop Louie Galbines, ang paglapastangan sa altar at sa mga bagay na binibigyang pagpapahalaga at paggalang ng simbahan kaya’t kinakailangan ang pagsasagawa ng pagbabayad-puri tungo

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pagkasawi ng mga naghahatid ng tulong sa digmaan sa Gaza, ikinababahala ng Santo Papa

 24,431 total views

 24,431 total views Ikinalungkot ng Kanyang Kabanalan Francisco ang nagpapatuloy na karahasang nangyayari sa Gaza Strip lalo na ang pagkakapaslang sa mga taong tumutulong sa mga inosenteng sibilyan. Dalangin ni Pope Francis ang katatagan ng mga pamilyang naiwan ng mga biktima ng karahasan at muling umapela sa kinauukulan na pahintulutan ang humanitarian aid para sa kapakinabangan

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pray for Taiwan, paanyaya ng Obispo sa mga Pilipino

 25,715 total views

 25,715 total views Ipinapanalangin ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang kaligtasan ng mamamayan ng Taiwan kasunod ng 7.2 magnitude na lindol nitong April 3. Tiniyak ni CBCP-Episcopal Commission on Migrants’ and Itinerant People Vice Chairman, Antipolo Bishop Ruperto Santos ang pakikiisa mga biktima ng lindol lalo na sa mahigit 100-libong Filipino migrants sa lugar.

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Faith tourism, palalakasin ng Diocese of Legazpi

 25,124 total views

 25,124 total views Palalawakin ng Diocese of Legazpi ang faith tourism sa lalawigan ng Albay sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan. Ito ang tiniyak ni Bishop Joel Baylon sa nalalapit na pagdiriwang ng Magayon Festival kasabay ng pagpaparangal sa Mahal na Biheng Maria o Inang Magayon bilang babaeng puspos ng biyaya at pagpapala ‘Tota pulchra es,

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top