Pagsasara ng mga sementeryo sa mamamayan, suportado ng Simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 682 total reads

Tiniyak ng Arkidiyosesis ng Ozamiz na susunod sa mga panuntunan na ipatutupad ng pamahalaan kaugnay sa nalalapit na paggunita ng All Saints at All Souls day.

Ito ang tugon ni Archbishop Martin Jumoad sa rekomendasyon ng National Task Force against COVID-19 na ipagbawal ang pagdalaw sa mga sementeryo sa a-uno at ika-2 ng Nobyembre bilang pag-iingat na magkahawaan ng virus.

“Let’s follow the suggestion of Inter Agency Tasks Force; we are in this pandemic and this is temporary,” pahayag ni Archbishop Jumoad sa panayam ng Radio Veritas.

Ayon sa Arsobispo, sa pagpupulong ng mga pari ng arkidiyosesis nitong ika – 9 ng Setyembre ay napagkasunduan na ipagpatuloy ang pagdiriwang ng Banal na Misa sa paggunita ng araw ng mga santo sa unang araw ng Nobyembre at paggunita ng mga yumaong mahal sa buhay sa ikalawa ng buwan.

Tatalima din ang Diocese of San Pablo,Laguna sa maging kautusan ng pamahalaan na isara sa publiko ang lahat ng sementeryo bilang pag-iingat sa COVID-19.

Inihayag ni San Pablo Bishop Buenaventura Famadico, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on the Clergy na nararapat na sundin ang panuntunan ng pamahalaan para sa kagalingan ng mamamayan.

“Kung ano ang ipag- uutos ng gobyerno susundin yon para na rin sa pansariling kagalingan at kagalingan ng nakararami.”mensahe ni Bishop Famadico sa Radio Veritas

Nilinaw naman ni COVID-19 testing czar Vince Dizon na hindi pa pinal ang mga panuntunan sa paggunita ng All Saints at All Souls day ay kanilang irerekomenda sa pamahalaan na pansamantalang ipagbawal ngayong taon ang pagdalaw sa mga sementeryo.

Sa lungsod ng Maynila, naunang humingi ng paumanhin si Mayor Isko Moreno sa mamamayan na pansamantalang isasara ang mga sementeryo sa ika -31 ng Oktubre hanggang ikatlo ng Nobyembre upang maiwasan ang pagdagsa ng mga tao.

Hinimok naman ni Archbishop Jumoad ang mamamayan na dumalaw sa puntod ng mga mahal sa buhay sa ibang mga araw bilang pag-iingat at pangangalaga sa kalusugan.

“My advice which is the position of the Archdiocese is to continue to say Mass on November 1 and 2 for the souls in purgatory but not administer the usual Responso sa puntod for health reasons,” dagdag pa ni Archbishop Jumoad.

Kaugnay nito, hinikayat ni Bishop Broderick Pabillo, Apostolic administrator ng Archdiocese of Manila ang mananampalataya na maagang pabasbasan sa mga pari ang puntod ng mga mahal sa buhay.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 8,434 total reads

 8,434 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 9,955 total reads

 9,955 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 21,916 total reads

 21,916 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 59,294 total reads

 59,294 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 90,564 total reads

 90,564 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 166,524 total reads

 166,524 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 259,684 total reads

 259,684 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 8,435 total reads

 8,435 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »
Scroll to Top