Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mananampalataya, inaanyayahan sa kauna-unahang kapistahan ng Our Lady of Penafrancia sa Metro Manila

SHARE THE TRUTH

 366 total views

Inaanyayahan ng Most Holy Trinity Parish sa Balic Balic Sampaloc Manila ang mananampalataya na makiisa sa kauna-unahang pagdiriwang ng kapistahan ng Mahal na Birhen ng Peñafrancia nitong Setyembre.

Sa unang pagkakataon isasagawa sa Metro Manila ang ‘PAGSUNGKO’ o kahalintulad sa Peñafrancia festival sa Bicol region ngunit gagawin itong motorcade sa Mahal na Ina.

Inatasan ni Reverend Father Eric Adoviso, kura paroko ng Most Holy Trinity si Fr. Joebert Fernandez na pangunahan ang paghahanda sa pagdiriwang bilang paraan ng simbahan ng paghingi ng tulong sa Mahal na Birhen ng Peñafrancia na mawakasan na ang corona virus pandemic.

Sa panayam ng Radio Veritas kay Fr. Fernandez, isinalaysay nito ang ambag ng Mahal na Birhen upang pigilan ang epekto ng epidemya ng kolera noong ika – 17 siglo na pinaniniwalaang makatulong ito sa kasalukuyang kinakaharap na pandemya.

“Inatasan ako ni Fr. Eric [Adoviso] na simulan ang Peñafrancia; nakita namin sa history ng Penafrancia wayback 1700’s nagkaroon po ng epidemya na kung saan marami ang namatay; sa Bicol naman dinala yung image [Our Lady of Peñafrancia] at yun ang ginamit nila na pansangga sa epidemya ng kolera kaya zero casualty ang Bicol; sumikat at kinilala si Ina sa Naga City at naging Ina ng Bicol region,” pahayag ni Fr. Fernandez sa Radio Veritas.

Pangungunahan ng grupo ng mga Bicolanong pari at seminarista ang gawain kung saan sa ika – 11 ng Setyembre ay magsisimula ang siyam na araw na nobenaryo na magtatapos sa ika – 19 ng buwan.

Tiniyak ni Fr. Fernandez na ang PAGSUNGKO ay hindi lamang basta motorcade kundi nakaugat sa pananalangin sa Diyos sa tulong ng Mahal na Ina ng Peñafrancia at babaunin ng bawat dadalo at makiisa hanggang sa pag-uwi sa kanilang mga tahanan.

“Nililinaw namin na ang prusisuyon ay hindi lang paglalakad-lakad, kundi ang prusdisyon ay prayerful going with the Blessed Virgin; yung mga nasa loob ng sasakyan o yung mga magmomotor ay makiisa sa panalangin at babalik sila sa kanilang tahanan baon ang mga gawi ni Mama Mary,” dagdag ng pari.

Sa pag-ikot ng motorcade ng Ina ng Peñafrancia, hinimok ni Fr. Fernandez ang mananampalataya na magsindi ng kandila sa pagdaan ng prusisyon.

Mahigpit na tagubilin naman ng Simbahan ang safety health protocol tulad ng pagsusuot ng facemask, face shield at physical distancing bilang pag-iingat sa nakahahawang sakit.

“Kahit na humihingi tayo ng tulong ni Mama Mary na matapos na ang pandemic, gawin din natin yung dapat nating gawing pag-iingat,” giit ng pari. Ang kauna-unahang PAGSUNGKO ay gaganapin sa ika – 19 ng Setyembre mula ala-una hanggang alas singko ng hapon na iikot sa paligid ng Sampaloc Manila kasabay ang pagdarasal ng Santo Rosaryo.

Pormal namang nailuklok sa Most Holy Trinity Parish ang imahe ng Mahal na Ina na nagmula pa sa Bicol region na binasbasan ni Caceres Archbishop Rolando Tria Tirona.

Samantala, nagpaabot naman ng paunang pasasalamat ang organizers ng PAGSUNGKO partikular sa lokal na pamalaan ng lunsod ng Maynila sa pagpapahintulot na isasagawa ang banal na gawain at maging sa national government sa pamamagitan ni Department of Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na nagbigay pahintulot na madala ang imahe mula Bicol patungong Manila.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Tunnel of friendship

 25,386 total views

 25,386 total views Mga Kapanalig, natapos noong Biyernes ang labindalawang araw na pagbisita ni Pope Francis sa apat nating karatig-bansa: Indonesia, Papua New Guinea, Timor-Leste, at Singapore. Naging makasaysayan ang pagbisita ng Santo Papa sa Indonesia. Ito kasi ang may pinakamalaking populasyon ng mga Muslim sa buong mundo, habang tatlong porsyento lamang ng populasyon nito ang

Read More »

Teenage pregnancy

 75,949 total views

 75,949 total views Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ay isa sa mga seryosong isyung kinakaharap ng Pilipinas ngayon. Taon-taon, dumarami ang mga kabataang babae, edad 10 hanggang 19, na maagang nagiging ina. Ang kalagayang ito ay may malalim na implikasyon sa kanilang personal na buhay, pati na rin sa kalagayan ng bansa sa kabuuan. Nakaka-alarma,

Read More »

THE DIVINE IN US

 23,426 total views

 23,426 total views Gospel Reading for September 12, 2024 – Luke 6: 27-38 THE DIVINE IN US Jesus said to his disciples: “To you who hear I say, love your enemies, do good to those who hate you, bless those who curse you, pray for those who mistreat you. To the person who strikes you on

Read More »

Magnanakaw ng dignidad ang traffic

 81,129 total views

 81,129 total views Kapanalig, isa sa mga hamon sa mental health ng maraming Pilipino ngayon ay ang kahirapan sa pagko-commute tungo sa trabaho at paaralan. Marami na nga sa ating mga kababayan ang nagsasabi na ang pagco-commute dito sa ating bayan ay dehumanizing na. Sa dami ng Pilipinong apektado sa pang-araw-araw na traffic sa ating bayan,

Read More »

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 61,324 total views

 61,324 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mamamayan, binalaan ng Obispo sa pagdami ng misinformation sa internet

 162 total views

 162 total views Pinag-iingat ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy ang mananampalataya sa patuloy na pagdami ng misinformation at disinformation sa internet. Ayon sa Obispo, dapat maging mapagmatyag ang mamamayan upang maiwasang mabiktima ng scam lalo na sa online. “In this age of misinformation and deceit, it’s crucial that we remain vigilant. Please take care to verify

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Isabuhay ang “synodal church”, paalala ng bagong Obispo ng Baguio sa mga pari at layko

 894 total views

 894 total views Tiniyak ni Baguio Bishop Rafael Cruz ang pagpapaigting sa pakikipag-ugnayan at pakikilakbay sa mga nasasakupan ng diyosesis. Ito ang mensahe ng obispo makaraang pormal na mailuklok bilang ikatlong obispo ng Diocese of Baguio nitong September 17. Binigyang diin ni Bishop Cruz ang pakikiisa sa mga pari sa pagpapastol sa mahigit kalahating milyong katoliko

Read More »
Economics
Norman Dequia

EU bonds, isinusulong ng European Union

 2,344 total views

 2,344 total views Isinulong ng European Union sa Pilipinas ang EU bonds bilang maasahan at ligtas na investment gayundin ang pagtiyak na matatag na global currency ang euro. Ito ang tampok sa dalawang araw na pagbisita ni European Commissioner for Budget and Administration Johannes Hahn sa Pilipinas kamakailan. Nakipagpulong si Hahn sa ilang mga opisyal ng

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Holy door ng Metropolitan Cathedral of San Pedro, bubuksan sa mananampalataya

 4,737 total views

 4,737 total views Bubuksan ng Archdiocese of Davao ang Holy Door ng Metropolitan Cathedral of San Pedro bilang pagdiriwang sa Diamond Jubilee ng arkidiyosesis. Sa sirkular na inilabas ni Archbishop Romulo Valles, malugod nitong ibinahagi sa mananampalataya ang pahintulot ng Vatican sa paggawad ng plenary indulgence sa mga bibisita sa cathedral. “The Holy See has granted

Read More »
Circular Letter
Norman Dequia

Special collection sa national catechetical month, isasagawa ng Archdiocese of Manila

 5,837 total views

 5,837 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Manila ang mananampalataya na suportahan ang evangelization program ng simbahan lalo ngayong Setyembre sa pagdiriwang ng National Catechetical Month. Sa sirkular na inilabas ng arkidiyosesis, magkaroon ng special collection ang lahat ng parokya sa September 15 para sa mga programa ng Episcopal Commission on Evangelization ang Catechesis ng Catholic

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Botante, huhubugin ng PPCRV na maging champion ng pagbabago

 5,953 total views

 5,953 total views Tiniyak ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ang patuloy na paghuhubog sa kamalayan ng mamamayan sa pagpili ng mga lider ng bayan. Ayon kay PPCRV Chairperson Evelyn Singson, mahalagang tutukan ang paghubog sa pagkatao ng mga Pilipino upang maging responsableng mamamayan. Ito ang mensahe ng opisyal sa paglunsad ng church watchdog

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Please pray for me, I need your prayers.

 8,516 total views

 8,516 total views Ito ang apela ni Bishop Rafael Cruz makaraang matanggap ang episcopal ordination nitong September 7, 2024 sa St. John the Evangelist Cathedral sa Dagupan City, Pangasinan. Batid ni Bishop Cruz ang kaakibat na malaking hamon sa pagsisimula ng kanyang gawaing pagpapastol sa Diocese of Baguio kaya’t mahalaga ang mga panalangin para sa ikatatagumpay

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mamamayan, binalaan ng Obispo sa “deep fake” product endorsement online

 9,679 total views

 9,679 total views Binalaan ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy ang publiko hinggil sa kumakalat na product endorsement online gamit ang kanyang pangalan. Hiniling ng obispo sa mamamayan na magkaisang i-report ang mga naturang social media account na nagtataglay ng mga deep fake created video materials upang makaiwas sa scam ang mamamayan. “Please be aware that I

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pagkakapatiran, panawagan ni Pope Francis sa Indonesians

 9,732 total views

 9,732 total views Hinimok ng Kanyang Kabanalan Francisco ang mamamayan ng Indonesia na patuloy itaguyod ang pagkakapatiran sa kabila ng pagkakaiba-iba ng mamamayan. Tinuran ng santo papa ang kristiyanong arkitekto na nagdisenyo sa Istiqlal Mosque na tanda ng pagiging lugar ng pag-uusap ang mga bahay dalanginan. Binigyang diin ni Pope Francis ang pagiging ‘diverse’ng Indonesia na

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Lingkod ng simbahan sa Indonesia, hinimok ng Santo Papa na paigtingin ang paglingap sa kapwa

 10,749 total views

 10,749 total views Hinikayat ni Pope Francis ang mga lingkod ng simbahan sa Indonesia na paigtingin ang misyong paglingap sa kawan maging ng mga hindi binyagan. Ito ang pahayag ng santo papa sa pakipagpulong sa mga pari, obispo, madre at mga relihiyoso sa rehiyon sa nagpapatuloy na Apostolic Journey sa Indonesia. Binigyang diin ni Pope Francis

Read More »
Cultural
Norman Dequia

I am very grateful to all the catechists: they are good.

 10,825 total views

 10,825 total views I am very grateful to all the catechists: they are good. Ito ang mensahe ng Kanyang Kabanalan Francisco bilang pagkilala sa mga katekista na katuwang ng simbahan sa pagmimisyon. Sa pakikipagpulong ni Pope Francis sa mga lingkod ng simbahan sa Indonesia na ginanap sa Cathedral of Our Lady of the Assumption binigyang pugay

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, hinimok na ipanalangin ang proseso para sa pagkilala ng simbahan bilang banal kay Servant of God Ka Luring

 11,527 total views

 11,527 total views Humiling ng panalangin ang postulator ng Cause of Beatification and Canonization of Servant of God Laureana ‘Ka Luring’ Franco kasabay ng pagsisimula ng diocesan inquiry. Sa panayam ng Radio Veritas kay Dr. Erickson Javier, Doctor of Ministry nilinaw nitong walang takdang panahon ang sinusunod sa proseso ng pagiging banal ni Ka Luring sapagkat

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Tulungan ang mga apektado ng bagyong Enteng, panawagan ni Bishop Santos

 11,714 total views

 11,714 total views Ipinapanalangin ng International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage ang katatagan ng mamamayan sa gitna ng kinakaharap na hamon bunsod ng kalamidad. Dalangin ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang kasalukuyang parish priest ng international shrine ang katatagan ng mga biktima ng malawakang pagbahang dulot ng Bagyong Enteng at Habagat lalo

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Faith, fraternity at compassion, pasisiglahin sa Apostolic journey ng Santo Papa sa Indonesia

 12,393 total views

 12,393 total views Kasalukuyang nasa Indonesia ang Kanyang Kabanalan Francisco sa pagsisimula ng kanyang ika – 45 Apostolic Journey. Dumating ang santo papa sa Jakarta Soekarno-Hatta International Airport lulan ng papal flight ng ITA-Airways kasama ang ilang mamamahayag. Kabilang sa delegasyon si Filipino Cardinal Luis Antonio Tagle ang Pro Prefect ng Dicastery for Evangelization ng Vatican.

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Diocese of Antique, nagluluksa sa pagpanaw ng Obispo

 12,434 total views

 12,434 total views Humiling ng panalangin ang Diocese of San Jose de Antique para sa kapayapaan ng kaluluwa ni Bishop Emeritus Raul Martirez. Sa pabatid ni Antique Bishop Marvyn Maceda pumanaw si Bishop Martirez nitong September 2 pasado alas onse ng gabi sa edad na 86 na taong gulang. Si Bishop Martirez ay naordinahang pari noong

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top