Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Sino ang uunlad sa pagsalba sa Lawa ng Laguna?

SHARE THE TRUTH

 438 total views

Mga Kapanalig, bukod sa Manila Bay, isa pang nanganganib na anyo ng tubig sa ating bansa ang Lawa ng Laguna.

Sa sukat na 90,000 hectares, ito ang pinakamalaking lawa sa Pilipinas. Ngunit 20 porsyento nito ay ginagamit ng mga pribadong korporasyon at mga indibidwal na negosyanteng nagpapatakbo at namamahala ng malalawak na fish pens, ilan sa mga ito ay hindi rehistrado o pinangangasiwaan ng “dummies”, kaya’t masasabing iligal.

Samantala, habang patuloy ang paglago ng mga bayan at ang paglaki ng populasyon sa paligid ng lawa dahil na rin sa tinatawag na urbanisasyon, pabilis din nang pabilis ang pagkasira ng lawa. Gaya ng Manila Bay, sinasalo rin ng Lawa ng Laguna ang mga basura mula sa mga kabahayan at iba’t ibang industriya. Dito rin dumadaloy ang duming mula sa mga pabrika, sakahan, at mga daluyan ng tubig. Sa lalâ ng polusyon, masasabing kritikal na ang lagay ng Lawa ng Laguna.
Maliban sa mga yamang-tubig na nabubuhay sa lawa, pinakaapektado ng pagkasira ng lawa ang mga maliliit na mangingisda, silang mga walang fishpens at umaasa sa anumang mahuhuli ng kanilang lambat para makapaghanapbuhay at makakain.
Ang ugnayan sa pagitan ng kahirapan ng mga tao at ang pagkasira ng kalikasan ay matingkad sa encyclical ni Pope Francis na Laudato Si’. Aniya, ang hanapbuhay ng nakararaming mga dukha ay nakasalalay sa kalikasan, halimbawa na nga nito ang mga maliliit na mangingisdang ang ikinabubuhay ay mula sa dagat o lawa. Kaya naman, puna ng Santo Papa, ang malawakang pagsira at pang-aabuso sa kalikasan ay sanhi ng pagkaubos ng likas-yamang nagbibigay sa mga pamayanan ng kanilang ikinabubuhay. Mga Kapanalig, katumbas po ito ng pagnanakaw sa mahihirap.

Ngunit may mas malalim pa pong epekto ang pagkawasak ng kalikasan gaya ng mga anyong tubig. Kasabay ng pagkawala ng pagkakataon ng mga mahihirap at lokal na pamayanan upang makapangisda, binubura ng pagkasira ng kalikasan ang mga balangkas sa isang lipunan o “social structures” na sa mahabang panahon ay humubog sa kultural na pagkakakilanlan o “cultural identity” at sa kahulugan ng buhay at pakikipagkapwa sa isang pamayanan. Sa pagsira sa kalikasan, kasamang naisasakripisyo ang kaluluwa ng isang pamayanan.

Kaya’t malaki marahil ang pasasalamat ng mga maliliit na mangingisda nang mabanggit ni Pangulong Duterte sa kanyang SONA noong nakaraang linggo ang kanilang kalagayan at ang pangakong tututukan sila ng pamahalaan. Wika ng ating Pangulo, “The poor fishermen will have priority in its entitlements.” Ang mga mahihirap na mangingisda ay bibigyan ng prayoridad para mapakinabangan ang biyaya ng lawa.

Ngunit hindi malinaw kung paano ito gagawin, lalo na nang banggitin niya ang pangkahalatang plano sa Lawa ng Laguna. Sabi ng pangulo, “Laguna Lake shall be transformed into a vibrant economic zone showcasing tourism by addressing the negative impact of a watershed destruction, land conversion and pollution.” Ilang araw matapos ang SONA, ganito rin ang binanggit ng kalihim ng DENR na si Gina Lopez. Nakikita niya ang Lawa ng Laguna bilang isang “magnificent eco-tourism zone”, walang mga basura, mas kaunti ang mga fishpen, may mga turistang namamangka, at may mga restaurants o kainan sa paligid. Wala pang detalyadong plano ang pamahalaan. Ngunit kung pagbabatayan natin ang kanilang sinabi para bang wala namang kaugnayan ang mga ito sa pagtugon sa kalagayan ng mga maliliit na mangingisda?

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 25,680 total views

 25,680 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 33,780 total views

 33,780 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 51,747 total views

 51,747 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 80,808 total views

 80,808 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 101,385 total views

 101,385 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 25,681 total views

 25,681 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makabagong Makapili?

 33,781 total views

 33,781 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 51,748 total views

 51,748 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 80,809 total views

 80,809 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pekeng sakripisyo

 101,386 total views

 101,386 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 86,563 total views

 86,563 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pope Francis

 97,344 total views

 97,344 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Good News

 108,400 total views

 108,400 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trend

 72,262 total views

 72,262 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maiingay na lata

 60,691 total views

 60,691 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Edukasyon at kahirapan

 60,913 total views

 60,913 total views Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pasko ng Muling Pagkabuhay at eleksyon

 53,615 total views

 53,615 total views Mga Kapanalig, maligaya at mapayapang Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus! Wika nga sa Mateo 28:6, “Wala siya [sa libingan], nabuhay Siyang muli.”

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pambabastos sa kababaihan

 89,160 total views

 89,160 total views Mga Kapanalig, kabi-kabila ngayon ang naririnig nating pambabastos sa kababaihan sa pangangampanya ng mga pulitiko. Parang angkop na tawagin silang trapo—hindi dahil traditional

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dignidad ng mga PWD

 98,036 total views

 98,036 total views Mga Kapanalig, paano natin tinatrato ang mga persons with disability (o PWDs) sa ating lipunan? Sa isang video na nag-viral kamakailan, isang babaeng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tungkulin sa pandaigdigang komunidad

 109,114 total views

 109,114 total views Mga Kapanalig, simula nang makulong si dating Pangulong Duterte sa The Hague, naging mulat na tayo sa ating mga obligasyon sa pandaigdigang larangan.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top