bp oscar

Hindi natatapos ang buhay dahil lamang sa COVID-19

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 737 total reads

Ito ang mensahe ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio para sa mga taong nakararanas ng depresyon dulot ng pandemyang Coronavirus Disease.

Ayon kay Bishop Florencio, ang pagkakaroon o pagkakahawa sa COVID-19 ay hindi dahilan upang mawalan ng pag-asa sa buhay.

Ipinaliwanag ng Obispo na sa halip na isiping walang patutunguhan ang lahat ng mga ginagawa natin sa buhay ay dapat pa itong maging dahilan nang pagiging positibo.

“Madapuan man tayo [o] mahawa man tayo ng COVID-19, mayroon tayong mapupuntahan. Hindi lahat ng mga bagay na ginagawa natin [ay] para bang walang silbi. Because at the end, kahit ngayon hindi tayo gumaling, okay lang, that’s fine. Pero nandoon pa rin yung perspective na pwede pala ako magkaroon ng ganitong buhay. Hindi natatapos doon sa COVID ang buhay natin. Ang buhay natin ay mananatili siya sa Panginoon kasi mula siya sa Panginoon, babalik siya sa Panginoon.”,mensahe ni Bishop Florencio sa panayam ng Radyo Veritas.

Inihayag ng Obispo na dahil sa sobrang takot bunsod ng nararanasang krisis ngayon ay nawawala na sa tamang pag-iisip ang isang tao at kapag hindi naiwasan ay humahantong ito sa depresyon o mas malala pa—ang magpatiwakal.

“Along the way, ito yung trabaho natin na manatili at palaging ipinaaalala sa kanila, kasi minsan ang tao ay nandoon na sa punto na natatakot ay talagang nawawala na sa kanilang pag-iisip”, ayon sa Obispo.

Ngayong buwan ay ipinagdiriwang ang National Suicide Prevention and Awareness Month.

Batay sa tala ng National Center for Mental Health (NCMH), aabot lamang sa 33 ang suicide-related calls mula noong Enero hanggang Marso ngayong taon, ngunit nadagdagan ito at umabot na sa 115 tawag noong Hulyo.

Maliban dito, ipinakita naman sa Social Weather Station survey noong Hulyo na 84 porsyento ng mga Filipino ay nakararanas ng stress dahil sa COVID-19 pandemic.

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 49,859 total reads

 49,859 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 98,299 total reads

 98,299 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 218,878 total reads

 218,878 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 269,236 total reads

 269,236 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 394,518 total reads

 394,518 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 233,870 total reads

 233,870 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top