Kooperatiba sa mga jeepney driver, suportado ng acting President ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 744 total reads

Pinuri ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang inisyatibo ng Caritas Manila na pagbuo ng kooperatiba para sa mga jeepney driver.

Ayon kay Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, acting president ng CBCP, mahalagang pagtuunan ng pansin ang pagkakaroon ng kabuhayan ng mamamayan lalu na ang mga sektor na lubos na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

“Itong pangkabuhayan dapat iprioritize talaga natin; ang ganda ng kanyang panukalang kooperatiba para sa mga jeepney drivers palagay ko malayong malayo ang mararating nun,” pahayag ni Bishop David sa Radio Veritas.

Nitong ika – 11 ng Setyembre muling namahagi ng tulong ang Caritas Manila sa pakikipagtulungan ng Caritas Caloocan sa mahigit 300 jeepney drivers sa Caloocan, Navotas at Malabon bilang pagpapatuloy sa paglingap sa mga nasa sektor ng transportasyon na nawalan ng pagkakitaan.

Ikinatuwa rin ni Bishop David ang binabalak ng Caritas Manila na tulungan ang mga anak ng jeepney drivers na makapag-aral sa pamamagitan ng Youth Servant Leadership and Education Program o YSLEP dahil malaking tulong ito sa pamilya ng mga tsuper.

Inihayag ng Obispo na higit na mahalaga na bukod sa pansamantalang ayuda ng pagkain ay matutulungan din ng simbahan ang kabuhayan at maging ang edukasyon ng kabataan.

Sa panayam naman ng Radio Veritas kay Caloocan Second District Representative Edgar Erice, ibinahagi rin nitong isa ito sa mga lumalaban sa mababang kapulungan upang mapayagang makapagbiyahe ang mga traditional jeepney at magkaroon ng hanapbuhay ang mga tsuper.

Iginiit ng mambabatas na hindi napapanahon na ipatupad ang jeepney modernization program lalo’t nakararanas ng matinding hirap ang mga Filipino dulot ng krisis pangkalusugan.

“We are all helping them [jeepney drivers]. Pinaglaban namin, kaya mahigit isanlibong traditional jeepney [PUJ] na yung pinayagan ng pamahalaan na makabiyahe dahil dati zero talaga; gusto nila isabay yung jeepney modernization dito sa pandemic hindi kami pumayag kasi hindi ito ang tamang panahon,” saad ni Erice sa panayam ng Radio Veritas.

Tiniyak naman ng mambabatas ang patuloy na pag-aabot ng ayuda para sa mga jeepney drivers.

Sa huli ay pinaalalahanan ni Bishop David ang mga benepisyaryong tsuper na huwag mag-atubiling lumapit sa Simbahan at hinikayat na paigtingin ang pananalangin na matapos na ang pandemya upang manumbalik na sa normal ang pamayanan.

“Huwag kayong mag atubili na lumapit sa Simbahan, nandito kami para sa inyo. Magdasal tayo na itong krisis na ito ay matapos na. Gusto kong maramdaman ninyo [jeepney drivers] na hindi kayo nag iisa, kasama ninyo ang Simbahan, kasama ninyo ang Panginoon at kasama natin ang isa’t isa,” dagdag pa ni Bishop David.

Target naman ng Caritas Manila na abutin ang sampung libong jeepney drivers sa kalakhang Maynila upang lingapin at mabigyan ng paunang tulong na mga pagkain.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 71,410 total reads

 71,410 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 166,802 total reads

 166,802 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 211,070 total reads

 211,070 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 234,179 total reads

 234,179 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 306,092 total reads

 306,092 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top