bp oscar

Hindi natatapos ang buhay dahil lamang sa COVID-19

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 694 total reads

Ito ang mensahe ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio para sa mga taong nakararanas ng depresyon dulot ng pandemyang Coronavirus Disease.

Ayon kay Bishop Florencio, ang pagkakaroon o pagkakahawa sa COVID-19 ay hindi dahilan upang mawalan ng pag-asa sa buhay.

Ipinaliwanag ng Obispo na sa halip na isiping walang patutunguhan ang lahat ng mga ginagawa natin sa buhay ay dapat pa itong maging dahilan nang pagiging positibo.

“Madapuan man tayo [o] mahawa man tayo ng COVID-19, mayroon tayong mapupuntahan. Hindi lahat ng mga bagay na ginagawa natin [ay] para bang walang silbi. Because at the end, kahit ngayon hindi tayo gumaling, okay lang, that’s fine. Pero nandoon pa rin yung perspective na pwede pala ako magkaroon ng ganitong buhay. Hindi natatapos doon sa COVID ang buhay natin. Ang buhay natin ay mananatili siya sa Panginoon kasi mula siya sa Panginoon, babalik siya sa Panginoon.”,mensahe ni Bishop Florencio sa panayam ng Radyo Veritas.

Inihayag ng Obispo na dahil sa sobrang takot bunsod ng nararanasang krisis ngayon ay nawawala na sa tamang pag-iisip ang isang tao at kapag hindi naiwasan ay humahantong ito sa depresyon o mas malala pa—ang magpatiwakal.

“Along the way, ito yung trabaho natin na manatili at palaging ipinaaalala sa kanila, kasi minsan ang tao ay nandoon na sa punto na natatakot ay talagang nawawala na sa kanilang pag-iisip”, ayon sa Obispo.

Ngayong buwan ay ipinagdiriwang ang National Suicide Prevention and Awareness Month.

Batay sa tala ng National Center for Mental Health (NCMH), aabot lamang sa 33 ang suicide-related calls mula noong Enero hanggang Marso ngayong taon, ngunit nadagdagan ito at umabot na sa 115 tawag noong Hulyo.

Maliban dito, ipinakita naman sa Social Weather Station survey noong Hulyo na 84 porsyento ng mga Filipino ay nakararanas ng stress dahil sa COVID-19 pandemic.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 72,939 total reads

 72,939 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 168,161 total reads

 168,161 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 212,429 total reads

 212,429 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 235,538 total reads

 235,538 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 307,386 total reads

 307,386 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 146,551 total reads

 146,551 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top