Quiapo church, handa sa imbestigasyon kaugnay sa ‘Nazareno procession’

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 737 total reads

September 17, 2020-10:27am

Nakahanda ang pamunuan ng Minor Basilica of the Black Nazarene na harapin ang anumang imbestigasyon hinggil sa paglabag sa quarantine protocol.

Ayon kay Fr. Douglas Badong, parochial vicar ng Basilica, handa ring akuin ng Quiapo Church ang responsibilidad kung mapatutunayang may paglabag sa ginanap na prusisyon ng Mahal na Poong Nazareno nitong ika – 14 ng Setyembre.

“Haharapin namin at makikipagtulungan kami sa imbestigasyon na gagawin nila at handa kaming akuin ang buong responsibilidad kung sakaling mayron kaming nilabag sa quarantine protocols,” pahayag ni Fr. Badong sa Radio Veritas.

Ito ang tugon ng Basilica sa pahayag ng Manila Police District na mahaharap sa imbestigasyon ang pamunuan dahil lumabag ito sa protocol na ipinagbabawal ang mass gatherings sa ilalim ng general community quarantine.

Una ng ipinag-utos ni MPD director Brig. Gen. Rolando Miranda sa Quiapo Police station na makipagpulong sa pamunuan ng Basilica upang talakayin ang mga posibleng paglabag.

Matatandaang inilabas ang imahe ng Poong Hesus Nazareno sa Kapistahan ng Pagtatanghal sa Banal na Krus ni Hesus upang masilayan ng mga deboto at magbigay inpirasyon sa gitna ng paghihirap na dinaranas dulot ng coronavirus pandemic.

Nanindigan ang Quiapo Church na dumaan sa wastong proseso bago inilabas ang Poong Nazareno tulad ng paghingi ng permiso kay Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo, sa lokal na pamahalaan ng lungsod ng Maynila at maging ang paghingi ng tulong sa mga pulis na nakatalaga sa Quiapo upang mahigpit na maipatutupad ang physical distancing.

Inamin naman ni Fr. Badong na bagamat piling mga Hijos lamang ang sumali sa prusisyon, hindi napigilan ng ilang deboto na makiisa sa prusisyon nang makita ang imahe na inilabas at umikot sa lansangan sa paligid ng Basilica na tumagal ng tatlong oras.

Tiniyak ng pamunuan ng Basilica na makipagtulungan ito sa isasagawang imbestigasyon ng Joint Task Force COVID Shield.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 7,474 total reads

 7,474 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 9,079 total reads

 9,079 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 20,102 total reads

 20,102 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 57,480 total reads

 57,480 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 88,750 total reads

 88,750 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 164,959 total reads

 164,959 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 258,190 total reads

 258,190 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 7,475 total reads

 7,475 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »
Scroll to Top