Media welfare act, suportado ng CHR

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 740 total reads

September 19, 2020-11:35am

Sinusuportahan ng Commission on Human Rights ang isinusulong na panukalang batas ni Senate President Vicente Sotto III na nagbibigay ng angkop n akita at benepisyo para mga manggagawa sa media lalu na sa mga mapanganib na media coverage.

Nasasaad rin sa panukalang batas na tinaguriang Media Workers’ Welfare Act ang pagkakaroon ng security of tenure o regularisasyon sa lahat ng media workers.

Gayundin ang pagkakaroon ng mandato ng Department of Labor and Employment (DOLE) upang bumuo ng isang News Media Tripartite Council na tututok sa mga pangangailangan at usapin ng mga media workers sa bansa.

Paliwanag ni CHR Spokesperson Atty. Jacqueline de Guia, bahagi ng pagtiyak sa patas na karapatan sa paggawa at malayang pamamahayag ang naaangkop na pagpapahalaga sa kapakanan ng mga nagtatrabaho sa industriya ng pamamahayag.

Iginiit rin ni Atty. De Guia na ang pagsusulong sa kapakanan ng mga mamamayag ay bahagi rin ng pagtiyak ng ‘constitutional rights to freedom of expression and information’.

“In ensuring the protection of labor rights and a free press, the Commission continues to reiterate its support for the protection and promotion of the rights of media workers. Together let us remember that in line with our constitutional rights to freedom of expression and information the protection of our media workers is necessary to ensure a free and fair media,” ang bahagi ng pahayag ni Atty. De Guia.

Inaprubahan na rin sa House Committee on Labor and Employment ang kahalintulad na panukala o ng Media Workers’ Welfare Act sa Mababang Kapulungan o ang House Bill 2476 na layong mabigyan ng proteksyon at employment benefits ang mga media workers.

Una na ring binigyan diin ng Kanyang Kabanalan Francisco ang kahalagahan ng pamamahayag bilang isang larangan na hindi lamang isang gawain kundi misyon na magpahayag ng katotohan para sa kapakanan ng higit na nakararami.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 187,819 total reads

 187,819 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 258,452 total reads

 258,452 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 291,901 total reads

 291,901 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 327,201 total reads

 327,201 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 546,163 total reads

 546,163 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top