Pigilan ang mga sumisira sa kalikasan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 777 total reads

Kailangan nang magka-isa na pigilin ang patuloy na pagkasira ng kalikasan.

Ito ang hamon ni Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo sa mamamayan maging sa pamahalaan kaugnay sa pangangalaga sa kalikasan kasabay na rin ng paggunita sa Season of Creation.

Ayon sa Obispo, na chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on the Laity, ang usaping may kaugnayan sa kalikasan ay nangangailangan ng pagkilos sa halip na magbitiw lamang ng mga salita at magsagawa pa ng iba’t ibang pag-aaral.

Iginiit ng Obispo na sapat na ang mga pag-aaral kung saan nasasaad dito na dahil sa pang-aabuso at pagpapabaya ng mga tao kaya nawawala at nasisira ang balanse ng ating kalikasan at kapaligiran.

“Ang usapin sa kalikasan ay nagtatawag ng pagkilos ng gawa at hindi lang ng talumpati o pag-aaral. Sapat na ang pag-aaral at sinasabi nito na sinisira ng tao ang balance ng kalikasan. Kailangan nang magkaisa na pigilin ang patuloy na pagkasira nito.”, pagninilay ni Bishop Pabillo sa Healing Mass sa Veritas.

Samantala, tinutulan naman ng Obispo ang Kaliwa Dam na proyekto ng pamahalaan na layong makapagbigay ng patubig sa Metro Manila.

Ang nasabing proyekto na nagkakahalaga ng PHP 12.2-Billion ay magdudulot ng pinsala sa higit 300-ektarya ng kagubatan ng Sierra Madre na matatagpuan sa lalawigan ng Quezon.

Nangamba naman ang Obispo dahil ang proyektong ito ay napagkasunduan sa pagitan ng China at Pilipinas.

“Utang sa China ang 12.2 billion peso-dam na ito. Maraming manggagawa dito ay mga intsik at kung may hindi pagkakasundo sa kontrata, ang korte sa China ang magpapasya at hindi [ang] korteng Pilipino.”, ayon sa Obispo.

Hinikayat naman ni Bishop Pabillo ang lahat ng mamamayan na kumilos na alang-alang sa bayan lalo’t higit, alang-alang sa inang kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GUILTY?

 34,894 total reads

 34,894 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 69,420 total reads

 69,420 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 125,826 total reads

 125,826 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 247,638 total reads

 247,638 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 177,286 total reads

 177,286 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top