Ground breaking ng bagong paaralan, pinangunahan ng alkalde ng lungsod Quezon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 812 total reads

Pinangunahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang groundbreaking ng itatayong Bagbag Integrated Highschool sa Bagbag, Novaliches.

Tiniyak ni Mayor Belmonte na palalawakin ang mga programang kinakailangan ng mamamayan ng lungsod lalu na ang pabahay, health care at edukasyon.

“Gusto kong bigyang pansin ngayon ang pangangailangan ng bawat tao; this is their basic human rights: education, healthcare and housing,” pahayag ni Belmonte sa panayam ng Radio Veritas.

Tiniyak ni Belmonte sa nasasakupang mamamayan na tutulungan ng lungsod ang mga kabataan sa pagkamit ng wastong edukasyon sa kabila ng new normal na ipinatutupad.

Inihayag ng alkalde ang pamamahagi ng gadgets sa 176, 000 estudyante sa junior at senior highschool na gagamitin sa isasagawang online class.

Sa pamamagitan ng gadgets ay mababasa ng mga mag-aaral ang mga pre-loaded modules.

Bukod sa mga estudyante ay bibigyang prayoridad ng local na pamahalaan ang mga guro na magpapatuloy sa paghuhubog sa kabataan sa pamamagitan ng blended learning.

“Sa mga teachers naman may committment tayong [Quezon City government] laptop at P1000 para sa internet kada buwan,” saad pa ni Belmonte.

Ang itatayong gusali ay mayroong 52 silid-aralan, 12 school laboratories at 284-capacity auditorium.

Paliwanag ni Belmonte na magandang gamiting pagkakataon ang learn from home scheme ng mga kabataan habang isinasaayos ang mga paaralan at pagtatayo ng karagdagang school buildings.

Patuloy naman ang paghimok ng simbahang katolika sa mga lider ng bansa at komunidad na paigtingin ang mga programang makatutulong at mapakikinabangan ng mamamayan paritkular ng mga dukha.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 73,528 total reads

 73,528 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 168,704 total reads

 168,704 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 212,972 total reads

 212,972 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 236,081 total reads

 236,081 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 307,914 total reads

 307,914 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top