ECOWASTE, ikinatuwa ang re-shipment ng South Korean waste products

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 653 total reads

Ikinatuwa ng mga makakalikasang grupo ang final re-shipment ng natitirang container ng mga ilegal na basura mula sa South Korea.

Kinumpirma ng Bureau of Customs-Region 10 kasama ang Ecowaste Coalition ang re-exportation ng natitirang 43 containers ng ilegal na basura na aabot ng 1,036 metriko-tonelada noong ika-15 ng Setyembre, 2020.

Laman ng mga container ang iba’t-ibang plastic materials, gamit na dextrose tubes, at basura mula sa mga tahanan na nilalabag ang Basel Convention on the Control of Transboundary Movements of Hazardous Wastes and their Disposal at national laws.

Ayon kay EcoWaste Coalition National Coordinator Aileen Lucero, ang matagumpay na re-exportation procedures ay patunay na ang pakikipaglaban sa waste trafficking ay walang kinikilalang pandemya.

“The completion of the re-exportation procedures shows that action against waste trafficking knows no pandemic,” ayon sa pahayag ni Lucero.

Ang nasabing mga basura ay ibinalik na sa Pyeongtek City, South Korea mula sa Mindanao International Container Terminal o MICT Port sa Tagoloan, Misamis Oriental.

Kaugnay nito, hinimok ni Dr. Joe DiGangi, Senior Science at Technical Adviser ng International Pollutants Elimination Network (IPEN), ang mga lider ng bansa na i-ratify ang Basel Convention Ban Amendment at pagpapatibay ng batas na nagbabawal sa pag-angkat ng mga basura.

Noong Agosto nang nakaraang taon, sumulat ang EcoWaste Coalition kay South Korean President Moon Jae-in na humihiling ng agarang re-shipment ng kanilang mga basura.

Iginigiit sa Laudato Si ni Pope Francis ang kahalagahan ng pag-aalaga sa kapaligiran upang mapigilan na gawing tambakan ng basura ang daigdig.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 72,224 total reads

 72,224 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 167,497 total reads

 167,497 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 211,765 total reads

 211,765 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 234,874 total reads

 234,874 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 306,762 total reads

 306,762 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 146,530 total reads

 146,530 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top