ECOWASTE, ikinatuwa ang re-shipment ng South Korean waste products

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 677 total reads

Ikinatuwa ng mga makakalikasang grupo ang final re-shipment ng natitirang container ng mga ilegal na basura mula sa South Korea.

Kinumpirma ng Bureau of Customs-Region 10 kasama ang Ecowaste Coalition ang re-exportation ng natitirang 43 containers ng ilegal na basura na aabot ng 1,036 metriko-tonelada noong ika-15 ng Setyembre, 2020.

Laman ng mga container ang iba’t-ibang plastic materials, gamit na dextrose tubes, at basura mula sa mga tahanan na nilalabag ang Basel Convention on the Control of Transboundary Movements of Hazardous Wastes and their Disposal at national laws.

Ayon kay EcoWaste Coalition National Coordinator Aileen Lucero, ang matagumpay na re-exportation procedures ay patunay na ang pakikipaglaban sa waste trafficking ay walang kinikilalang pandemya.

“The completion of the re-exportation procedures shows that action against waste trafficking knows no pandemic,” ayon sa pahayag ni Lucero.

Ang nasabing mga basura ay ibinalik na sa Pyeongtek City, South Korea mula sa Mindanao International Container Terminal o MICT Port sa Tagoloan, Misamis Oriental.

Kaugnay nito, hinimok ni Dr. Joe DiGangi, Senior Science at Technical Adviser ng International Pollutants Elimination Network (IPEN), ang mga lider ng bansa na i-ratify ang Basel Convention Ban Amendment at pagpapatibay ng batas na nagbabawal sa pag-angkat ng mga basura.

Noong Agosto nang nakaraang taon, sumulat ang EcoWaste Coalition kay South Korean President Moon Jae-in na humihiling ng agarang re-shipment ng kanilang mga basura.

Iginigiit sa Laudato Si ni Pope Francis ang kahalagahan ng pag-aalaga sa kapaligiran upang mapigilan na gawing tambakan ng basura ang daigdig.

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 53,294 total reads

 53,294 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 103,795 total reads

 103,795 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 224,375 total reads

 224,375 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 274,732 total reads

 274,732 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 399,766 total reads

 399,766 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 234,108 total reads

 234,108 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top