Ipagdasal sa Mahal na birheng Maria ang mga apektado ng COVID 19-Cardinal Quevedo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 525 total views

Hinimok ni Cotabato Archbishop Emeritus Orlando Cardinal Quevedo, OMI ang mananampalataya na ipagdasal ang mga frontliners at lahat ng apektado ng krisis dulot ng coronavirus pandemic.

Sa mensahe ng Kardinal sa kapistahan ng Mahal na Birhen ng Rosaryo sinabi nitong mahalagang hingin sa Mahal na Ina ang tulong upang tuluyang mahinto ang paglaganap ng virus sa buong daigdig.

“Let us pray for our heroic frontliners, for those who are sick and for those who have passed away; make it your intention to pray to our Lord through the intercession of the Blessed Mother for the end of this terrible COVID-19 pandemic,” pahayag ni Cardinal Quevedo sa panayam ng Radio Veritas.

Hinikayat din ng Cardinal ang bawat isa na ialay ang pananalangin ng santo rosaryo para sa pangangailangan ng pamilya at maging ang mga sektor na nawalan ng pagkakitaan.

“Pray the holy rosary for the many needs of our family, community, and of our whole country; pray for assistance to those lost their jobs, for those who lack food, funds and resources,” dagdag pa ni Cardinal Quevedo.

Batay sa pag-aaral ng National Economic Development Authority tumaas sa 17.5 porsyento ang poverty rate ng bansa dahil sa pandemya.

May 30-porsyento naman ang nagugutom na katumbas ng mahigit sa pitong milyong pamilya habang nasa 14 porsyento naman ang nawalan ng trabaho batay na rin sa survey ng Social Weather Station.

Una nang itinalaga ng simbahan ang buwan ng Oktubre na buwan ng rosaryo kaya’t hinimok ang bawat pamilya na ugaliin ang pagdarasal nito kasama ang buong mag-anak at idulog sa Diyos sa tulong ng Mahal na Birhen ang bawat kahilingan.

Sa Pilipinas, nagpapatuloy pa rin ang Healing Rosary for the World na pinasimulan ni Pope Francis bilang pakikiisa sa kampanya laban sa COVID-19.

“Make it a practice for your family to pray the rosary everyday together in your home and our Blessed Mother will surely intercede for you, protect you and guide you,” ani ng Cardinal.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 103,814 total views

 103,814 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 134,037 total views

 134,037 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 160,685 total views

 160,685 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 255,658 total views

 255,658 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 269,960 total views

 269,960 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top