Problema ng mga katutubo, tinututukan ng simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,027 total reads

Bigyang tuon ang suliraning kinahakarap ng mga katutubo.

Ito ang panawagan ni Kalibo Bishop Jose Corazon Tala-oc, vice chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Indigenous People’s kasabay ng paggunita ng Indigenous People’s Week.

“Napakahalaga nito sapagkat ang puso ng simbahan ay talagang nasa ating mga katutubo, nasa ating mga Indigenous Peoples and at the same time upang marinig ng lahat lalo na yung mga nasa area kung saan located itong ating mga Indigenous Peoples. Napakahalaga po nito at sana mabigyang-pansin ng ating mga diyosesis,” ang bahagi ng pahayag ni Bishop Tala-oc.

Kasabay ng pagdiriwang ng simbahan sa Pilipinas ng Season of Creation na magtatapos sa ika-11 ng Oktubre para sa paggunita ng Indigenous Peoples Sunday, hinimok ang bawat diyosesis ang pagbibigay ng halaga sa mga katutubo.

Ayon sa obispo, ito ay upang matulungan at madamayan ang mga filipinong katutubo na karaniwang biktima sa pagkasira ng kalikasan na kanilang tahanan at pinagkukunan ng ikinabubuhay.

Tiniyak naman ng CBCP-ECIP ang patuloy na pagsusulong at pagtataguyod sa karapatan ng mga katutubo lalu na sa kanilang lupaing mana na sapilitang ginagamit para sa pagmimina at iba pang mga proyekto sa kabila ng kanilang pagtutol.

Kabilang na sa mga lupaing ginagamit sa pagmimina ang Didipio sa Nueva Ecija, Tampakan sa South Cotabato at ang bulubunduking lugar ng Sierra Madre na sinabing pagtatayuan ng Kaliwa dam.

Ang pahayag ay isinagawa sa virtual conference ng Caritas Philippines sa pakikipagtulungan ng Radio Veritas sa paksang Diving Deep into the Issues of the Indigenous People’s in the Philippines.

Inaanyayahan din ni Bishop Tala-oc ang bawat isa sa pagdiriwang ng banal na misa para sa pagsasara ng Season of Creation sa bansa sa ika-11 ng Oktubre, kasabay ng paggunita sa Indigenous Peoples’ Sunday.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 68,212 total reads

 68,212 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 163,821 total reads

 163,821 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 208,089 total reads

 208,089 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 231,198 total reads

 231,198 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 303,245 total reads

 303,245 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 146,376 total reads

 146,376 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top