Ipagdasal sa Mahal na birheng Maria ang mga apektado ng COVID 19-Cardinal Quevedo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 578 total reads

Hinimok ni Cotabato Archbishop Emeritus Orlando Cardinal Quevedo, OMI ang mananampalataya na ipagdasal ang mga frontliners at lahat ng apektado ng krisis dulot ng coronavirus pandemic.

Sa mensahe ng Kardinal sa kapistahan ng Mahal na Birhen ng Rosaryo sinabi nitong mahalagang hingin sa Mahal na Ina ang tulong upang tuluyang mahinto ang paglaganap ng virus sa buong daigdig.

“Let us pray for our heroic frontliners, for those who are sick and for those who have passed away; make it your intention to pray to our Lord through the intercession of the Blessed Mother for the end of this terrible COVID-19 pandemic,” pahayag ni Cardinal Quevedo sa panayam ng Radio Veritas.

Hinikayat din ng Cardinal ang bawat isa na ialay ang pananalangin ng santo rosaryo para sa pangangailangan ng pamilya at maging ang mga sektor na nawalan ng pagkakitaan.

“Pray the holy rosary for the many needs of our family, community, and of our whole country; pray for assistance to those lost their jobs, for those who lack food, funds and resources,” dagdag pa ni Cardinal Quevedo.

Batay sa pag-aaral ng National Economic Development Authority tumaas sa 17.5 porsyento ang poverty rate ng bansa dahil sa pandemya.

May 30-porsyento naman ang nagugutom na katumbas ng mahigit sa pitong milyong pamilya habang nasa 14 porsyento naman ang nawalan ng trabaho batay na rin sa survey ng Social Weather Station.

Una nang itinalaga ng simbahan ang buwan ng Oktubre na buwan ng rosaryo kaya’t hinimok ang bawat pamilya na ugaliin ang pagdarasal nito kasama ang buong mag-anak at idulog sa Diyos sa tulong ng Mahal na Birhen ang bawat kahilingan.

Sa Pilipinas, nagpapatuloy pa rin ang Healing Rosary for the World na pinasimulan ni Pope Francis bilang pakikiisa sa kampanya laban sa COVID-19.

“Make it a practice for your family to pray the rosary everyday together in your home and our Blessed Mother will surely intercede for you, protect you and guide you,” ani ng Cardinal.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 809 total reads

 809 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 32,085 total reads

 32,085 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 111,997 total reads

 111,997 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 206,223 total reads

 206,223 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 266,689 total reads

 266,689 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mga sakristan, pinaalalahanan ni Bishop Gaa

 37,555 total reads

 37,555 total reads Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga sakristan na huwag ituring na simpleng ritwal o pagsunod sa mga alituntunin ang kanilang paglilingkod

Read More »
Scroll to Top